"Sa isang araw na ang birthday ni sir, anong gagawin mo?" Tanong sa akin ni Alexander habang nakaupo sa harapan ng mesa ko.Madalas akong makipagkwentuhan kay Alexander dahil napapadalas din ang punta niya sa opisina para maghatid ng mga gagawin ko. Natutuwa ako dahil hindi nagiging bored ang iilang mga oras ko rito sa opisina.
"Bibigyan siya ng regalo," sagot ko kay Alexander.
Bibili ako ng relo para kay Trevor. Hindi ko alam kung isu-surprise ko pa ba siya, feeling ko hindi ko naman magagawa.
"Anong ireregalo mo?"
"Relo."
"Para sa'yo lang lahat ng oras niya?"
"Abnormal." Komportable lang kami kapag nagu-usap. I really don't like it if he's addressing me in a formal way.
Parehas kaming natawa. Puro kalokohan talaga si Alexander.
"Kamust pala si sir?" Pinaglalaruan niya ang kilay niya habang nangingiti sa akin.
Hindi alam ni Alexander na nagkaroon kami ng past relationship ni Trevor.
"Natutuwa naman ako kasi natutulungan niya ako. Sweet si Trevor, maalaga rin," aniko. Hindi ako makakuha ng tamang salita para i-describe si Trevor bilang boyfriend. Words aren't enough to describe him.
"Sows. Forever na ba 'yan, ma'am?" Nang-aasar niyang sinabi habang may inaayos sa mesa ko.
Nagkibit-balikat ako. "Siguro?" Sa palagay ko ay Oo. Love is sweeter and stronger the second time around. I know that we're bound to be together because if not, why would our path crossed again, Right?
"'Di mo sure?"
Natawa ako sa sagot niya. Nakakatuwa talaga 'tong si Alexander. Hinding-hindi ka maboboring kapag siya ang kasama mo.
Nag-uusap kami nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Trevor na may dalang paper bag.
Bumagsak agad ang tingin nito kay Alexander na nasa harapan ko.
"Sir," ani Alexander. Hindi makikitang kabado siya pero halata sa boses niyang kinakabahan siya.
Inayos niya ang coat niya matapos ilapag yung paper bag sa mesa ko. "Kumain ka na ha," aniya sa akin at hinalikan ang noo ko sa tapat ni Alexander.
Kita ko kung paano niya titigan si Alexander. Samantalang si Alexander naman ay nakayuko lang hanggang makalabas si Trevor.
"Babalik ako mamaya. Alis na muna ako," ani Trevor sa akin bago lumabas ng opisina.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...