Chapter 7

146 89 142
                                    

Nakatayong sumandal si Marco sa desk sa harapan. "Guys, may alam na ba kayong booth for our foundation day?" tanong sa 'min nang senior namin.

Sabay-sabay kaming tamad na sumagot ng oo. Ewan ko, parang ang sama ng pakiramdam ko pero hindi ko naman yun alintana dahil kahit papaano may energy pa ako hindi nga lang halata kasi tamad akong gumalaw.


Tinanguan niya kami at pinatayo niya ako. "Ysa, anong napagisipan niyong booth?"

Tumayo ako, kinakabahan ako nang sundan ako ng tingin ng katabi ko. Simula nung nangyari sa clinic, nagiging concious na ako sa mga galaw ko. "As for Trevor, sinabi niya na Art Booth, um-agree naman kami roon. 17 kami na magpepaint at drawing samantalang yung iba sila na roon sa paga-ayos at linis ng booth," ani ko.


Tumango siya. "Yon na 'yon?" tanong niya sa 'kin.

Tinanguan ko siya. "Yes at yung pera po pala kung needed, na kay Alex po." Nginitian ko siya bago umupo.


Nakangiti siya'ng tumango sa sinabi ko. "Good, Trevor. Maganda nga yung Art Booth buti nalang may mga magagaling at marurunong magpaint sa inyo. Sisiguraduhin natin na tayo yung may pinakamataas na mabebentang stub for this school year's foundation para may swimming tayo ngayong sembreak. Okay ba 'yon?" tanong niya samin.



Kahit saang anggulo mo tignan, gwapo si Marco. Siya yung kwela, palabiro kung titignan pero ganoon naman talaga siya.


"Yes may swimming!"


"Going to ready my swim wear!"


"Malas naman, may laro kami ng sembreak eh!"

Marami ang gustong magswimming pero wala namang magagawa ang iba dahil majority ang may gusto.



"May sakit ka ba?" tanong ng katabi ko at ipinatong ang kamay sa noo ko na inalis ko naman kaagad. 



Umiling akong hindi siya tinitignan. "Wala, tinatamad lang ako," ani ko kay Trevor.


"Sigurado ka ba?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Tubig." Sabay abot niya sa'kin ng tubig kaya napatingin ako sa kaniya.


Nginisian ko siya. "Salamat," ani ko sa kaniya.


Pumangalumbaba siya sa mesa habang ang direksyon ay nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano 'yon?"



"Hindi kaya dahil sa pagtatrabaho mo 'yan kaya minsan parang wala kang gana?" Tanong niya sa akin. May posibilidad na dahil sa pagtatrabaho pero malaki pa rin ang impact ng problema ko pagdating sa bahay.



Nagkibit-balikat ako sa kaniya. "Hindi ko alam pero siguro nga."



"Huwag ka na kaya magpart time. Magpahinga ka na lang kaysa pinapagod mo ang sarili mo," aniya na parang tatay sa akin.


Impit akong natawa sa kaniya. "I wanted to earn for my own. Ayaw kong humihingi ng pera sa tatay ko." Mas bumibigat lang ang pakiramdam ko at naiisip ko na pabigat lang talaga ako.



He looked flustered because of what I said. Maybe wondering why I don't want to take my dad's money. "That's new to me. Wala namang mali sa paghingi ng pera sa tatay dahil sila naman ang dapat magbig--"



"Well, in my case, It's not."


Tinanguan niya lang ako at hindi na sumagot pa, siguro ay nakaramdam din siya na ayaw ko sa topic na ito at kung magtatanong pa siya ay mapupuno na ako.



Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon