Chapter 44

30 9 4
                                    


Isang linggo na ang nakalipas at naging maayos na kami ni Trevor. Ang problema ko lang ay ang pagpunta ni Isagani sa opisina, nag-aalala ako dahil napapadalas ang pagpunta niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sumasaktong wala si Trevor.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Isagani. Kinakabahan na naman ako sa kaniya dahil pumunta na naman siya sa Foster Holdings nang hindi ko alam.

Nakaayos siya at malinis tignan. "Sinusundo ka."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit mo naman ako susunduin?" Tanong ko. Pinagpapalit-palit ko ng tingin ang laptop ko at si Isagani. Hindi mapakali ang mata ko.

"Let's go on a date," aniya sa akin.

Inilingan ko naman siya agad. "You're crazy."


"I'm not."


"You are. Kaya pwede ka ng lumabas dahil hindi ako sasama sa'yo."


"Ano, Ysa? Ganiyan na lang? Ganito na lang?"


Anong ibig niyang sabihin?


"Matapos kitang aluin sa tuwing umiiyak ka kay Trevor noon, wala lang 'yon? Ini-skip ko bawat pasok ko kapag nalalaman kong umiiyak ka! Binibilhan pa kita ng bulaklak at brownies na paborito mo kasi alam kong iyon lang magpapagaan sa pakiramdam mo!--"

Tumayo ako at akmang lalabas sa pwesto ko. "Ano bang sinasabi mo?"

"Ako? Napagaan ko ba talaga ang pakiramdam mo? O pinepeke mo lang lahat at nagkukunwaring okay ka na para lang umalis na ako."


Medyo nahirapan akong huminga dahil sa sinabi niya. Tila ba tinarak ng bawat salitang binitawan niya ang malambot kong puso.


"Bakit, Isagani? May kapalit ba dapat lahat ng ginawa mo sa'kin? Hindi ko naman sinabi sa'yong puntahan mo ako at magcutting ka sa tuwing nanlulugmok ako!--" Nakita ko kung paano siya mawalan ng balanse dahil sa emosyon niyang minamanipula siya.


"Sinong dadamay sa'yo? May kaniya-kaniyang ginagawa yung mga kaibigan mo--"


"Oo, sinasabi kong okay na ako kahit hindi talaga para lang umalis ka na at ipagpatuloy yung klase mo na ini-skip mo dahil sa akin. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo noon! Kasi ayaw kong maging istorbo sa'yo at sinabi ko namang kaya ko ang sarili ko 'di ba? Noon pa lang! Sinasabi ko na, na kaya ko ang sarili ko!" Nang sabihin ko ito sa kaniya ay umiiyak na ako dahil masyado akong nadadala ng emosyon ko.


"Eh yung paghatid ko sa Airport sa'yo bago ka pumunta ng France, wala lang din ba 'yon? Yung pagyakap mo nang mahigpit at pagsabi mo sa'kin nang hindi mo kayang umalis, anong meaning no'n? Anong ibig sabihin ng mga 'yon?"

"Kailangan ba lahat ng ginagawa ko lalagyan mo ng malisya?" Pumameywang ako para hindi bumagsak ang balikat ko at tinignan siya. "Yung pagsabi ko sa'yong hindi ko kayang umalis, hindi ko 'yon sinabi dahil hindi kita kayang iwan. Sinabi ko 'yon dahil hindi ko maiwan yung nararamdaman ko kay Trevor." Iyak ako nang iyak no'n habang yakap-yakap si Isagani. Nanlulugmok sa pagkamatay ni dad at hindi makayanan yung pag-iwan ko kay Trevor, hindi ko kayang isantabi yung nararamdaman ko kahit pa napakalaki nang kasalanang ginawa niya sa akin.

Wala man lang paalam at walang pag-uusap na ginawa. Sa loob ng pitong taon kong nahiwalay kay Trevor, pinilit ko ang sarili ko na kaya kong wala siya at sa loob din ng pitong taon, nasabi kong pinepeke ko lang ang sarili ko, nagpapanggap akong ayos lang sa'kin lahat kahit hindi.

"Sa ilang taon nating pagkakaibigan. May naramdaman ka ba sa'kin? Kahit onti?"

Yumuko ako at pinunasan ang luha na patuloy ang pag-agos sa pisngi ko. Hindi ko alam na umaasa pala siya sa akin.


Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon