💌Hello! Pinilit ko talagang makapag-update ngayon baka kasi hinihintay niyo na ang update ko. Wahahaha echosera ko naman. Keep reading guys!
This Chapter is dedicated to: jghdjns Thank you for supporting my story. Hahahaha★★★
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin habang patuloy na nagda-drive.
Tumango ako habang nakangiti. "Oo, ayos lang ako." ani ko at nginitian siya kahit hindi halata sa tono kong ayos lang ako.
Ilang oras lang bago yung eskandalong ginawa ng ate niya ay tumatalon pa kami sa tuwa tapos ngayon mauuwi din pala sa ganito.
"B-bakit parasite?" Tanong ko kay Trevor.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Iuuwi na kita sa inyo."
Tinanguan ko siya at nanahimik na sa kinauupuan. Bakit sa tuwing nagkikita kami ng ate niya kung anu-ano ang tinatawag sa akin at inaakusa? Mukhang ba akong parasite? At anong Gold digger?
"Gold digger ba ako?" Tanong ko ulit kay Trevor. Naaanxious ako. Gusto kong malaman kung anong rason niya para tawagin akong gano'n.
Kunot ang noo niya nang tignan niya ako. "What are you talking about? Hell no."
Bumuga ako ng hangin. "Then why does she calling me names?" Hindi ko naman alam kung may nagawa ba ako sa kaniya at masyado niya akong iniinsulto. Ang naaalala ko lang naman natapakan ko yung sapatos niya, hanggang ngayon ba 'yon pa rin ang ikinagagalit niya?
"I don't know, Ysa. I'll ask her," aniya. Bakit parang naiirita siya?
"Sabi mo last time itatanong mo."
"I don't have much time," sagot niya sa akin.
Ngumuso ako sa sagot niya. Kung hindi niya pa itatanong hanggang kailan ako magiging clueless?
"May nagawa ba si dad sa ate mo?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"I don't know, Ysa."
"May nagawa ba kaming mali? Inutangan ba namin kayo? Hindi ba kami nakapagbayad ng utang--"
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang hampasin niya yung manibela at tila nag-aalab akong tinignan. "I don't fucking know! Stop asking me!" Sigaw niya sa akin.
Nanliit ako sa kinauupuan ko. Natakot at kinabahan ako sa sigaw niya kaya nanahimik na ako sa tabi at hindi na ulit siya tinanong nang paulit-ulit na bakit.
Nagmuni-muni na lang ako sa labas ng bintana niya. Ilang minuto rin kami nanahimik nang mag-ingay ang cellphone ko.
Mom's calling...
"Mom," ani ko. Nilingon ako ni Trevor saglit.
"Who told you to cut your class?"
Pumikit ako nang mariin. Damn it. Paano nalaman ni mom? Tinext ba siya ng guidance councilor? "M-mom. I'm sor--"
"I told you, ayusin mo ang pag-aaral mo at nakuha mo pang magcutting?" Galit na tanong sa akin ni mom.
"Sorry, mom."
"Kinuha na ng dad mo ang gamit mo sa room. Umuwi ka na, nasaan ka pa? Sinong kasama mo?"
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...