Chapter 39

57 13 7
                                    


"Trevor," tawag ko sa kaniya. Nagtitipa siya sa kaniyang laptop habang ako naman ay naglalaro lang sa laptop ko.



Inangat niya ang tingin niya sa akin. "Hmm?" Aniya.



Rinig ko ito kahit na medyo malayo ang pagitan naming dalawa. Ngumuso ako bago magsalita. "Anong gagawin ko?" Kaninang umaga pa ako walang ginagawa.  




Ibinalik niya ang tingin sa laptop at sinagot ako " Rest, Ysa," aniya na ikinalaki ng mata ko. 



Ano 'to? Magdamag akong magpapahinga? "Trevor, rest? Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kaniya.




Tumango lang siya at ngumisi. Tumunog ang telepono niya na nasa gilid, sinagot iyon ni Trevor. Rinig ko kung paano siya magbuntong-hininga. 




Ngumuso ako sa kawalan at pinagpatuloy na ang ginagawa. Ilang minuto makalipas, bigla akong nagcrave sa Iced Coffee kaya nagpasiya akong tumayo. Hindi pa nakakalabas nang tanungin ako ni Trevor. "Where are you going?"



"Bibili ng Iced Coffee," aniko sa kaniya. 




Saglit niyang itinigil ang pakikipag-usap sa telepono, "Ako na ang bibili, tatawag na lang ako sa baba," pagpiprisinta niya. 



Umirap ako, "Ako na," aniko at hindi na siya pinansin. Buryo na ako rito sa taas.




Nag-elevator ako para makarating sa baba kung nasaan ang iba't-ibang klase ng fast food chain. Ang binili kong Iced coffee ay yung large. Saglit kong inikot ang tingin ko sa paligid. Sosyal ang canteen nila, ang ganda at walang naiiwang kalat sa mga mesa. 




Naglalakad ako paakyat nang may sumalubong sa akin. I sighed. "Ysa," tawag sa akin ni Alexander. 



May kasama siyang dalawang lalaki at kung hindi ako nagkakamali, sila yung nasa taas na nagbubulungan kanina. 




Tinanguan ko sila. "Alexander," ani ko pabalik. 



"Carlo," ani nung isang lalaki na nasa gitna. Naglahad ito ng kamay na tinanguan ko lang. 




"Vincent," ani nung nasa kaliwa. Nginitian lang ako nito at tinanguan ko lang din. 



"Una na ako," aniko sa kanila at sumipsip sa iced coffee na dala ko.




"Kakain kami, gusto mo sumabay?" Aya ni Carlo. Hinampas siya ni Alexander sa likod. 




Kinunotan ko siya ng noo at magsasalita na sana kung hindi lang nagsalita si Vincent ng "libre naman namin."
 



Umiling ako at ngumiti. "No need, maybe next time? Kailangan ko ng umakyat dahil may gagawin pa ako," aniko sa kanilang tatlo. Mukha namang mabait yung dalawang kasama ni Alexander. 



Nagtanguan sila at sinabing aasahan daw nila ako. Nakangiti akong umalis sa kantina. Naglalakad papuntang elevator ng makasalubong ko si Trevor. 




Hinigit ako ni Trevor palapit sa kaniya, "I'll be back in an hour, may aasikasuhin lang ako," ani Trevor sa akin. 



Tinanguan ko siya at laking gulat ko ng halikan niya ako sa noo. Damn it, ano bang ginagawa ng lalaking 'to? "Trevor, makikita tayo ng mga empleyado mo," aniko sa kaniya. 




"Sa office tayo mamaya para hindi nila makita," aniya bago naglakad paalis.




What the fuck? Argh! Nakakainis. 




Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon