Chapter 9

121 78 101
                                    

"Good thing Ysa and Trevor bought things for our booth. Kailangan na kasi nating simulan kahit sa pinakasimpleng gawain muna. Kailangan natin ng team work guys. Team work para maging successful ang booth natin," ani Marco. Prente siyang naka-upo sa mesa na nasa harapan.

Kinalabit ako ng katabi ko at bumulong, "Ikaw, ahh."


"Ano 'yon?" Ani ko nang hindi tumitingin sa kaniya.


"Pareact-react ka na lang sa my day ko." -Trevor.


Sinilip ko siya at inirapan. "Napindot lang."


"Hindi naman tayo friend. Paano mapipindot 'yon?" -Trevor.

"Hindi rin naman lalabas 'yon sa mga makikita mong my day dahil hindi pa tayo friends." -Trevor.

"Huwag mong sabihing stalker ka?" -Trevor.

Kinagat ko ang labi ko. Napaka-ingay ng lalaking ito. Onti na lang hindi ko na kayang magtimpi.

"Bakit--"

"Eh bakit ako yung nasa my day mo?" Tinignan ko siya at inirapan ulit.


"Bakit mo kasi tinignan?" -Trevor. Aba!


"Tungkol pala sa nagastos natin, magkano lahat ng nabili, Trevor?" tanong ni Marco sa katabi ko na nakade-kwatro sa tabi ko. Nahinto kami sa pagsasagutan dahil tinawag siya ni Marco.

Tumayo si Trevor na blanko ang mukha "Sakto lang lahat ng binigay niyo. 3 thousand lahat."

Magtataas sana ako ng kamay nang hinawakan ito ni Trevor habang papaupo siya.

"Baliw ka, bakit sinabi mong sakto lang?" tanong ko sa kaniya nang pabulong.

"Hayaan mo na, 1 thousand lang 'yon," bumulong din siya at sabay kaming natawa sa pinaggagagawa namin. 1 thousand lang, lang para sa kaniya. He still have to value money hindi yung gano'n-gano'n lang.

"Paano kapag nakita yung resibo?" Tanong ko ulit.

Nginisian niya ako at sinabing "I threw the receipt."

Siraulo bakit tinapon yung resibo?

"Magkano niyo balak ibenta yung painting na gagawin niyo?" tanong sa amin ni Marco.


Nagtaas ng kamay si Jacob. "Sir, one-hundred po," aniya at nagpalakpakan ang mga lalaki bukod kay Trevor.





"Higher?" Walang nagreact sa tanong ni sir. "One-hundred na talaga? Sure na ro'n?" Sabay-sabay kaming sumagot ng oo.



Tumayo ako at sinabing "Masyado na kasi yatang mataas kung higit pa sa isang daan, marami naman kaming nabili sa four-- I mean three-thousand kaya siguro kung makakabenta kami ng isang daang piraso, may ten-thousand na kami," ani ko. Nagtitiwala rin naman ako na makakabenta kami ng 100 pieces, may mga iikot naman para mag-alok, idagdag na rin natin si Trevor na siguradong makakabenta ng marami sa booth.



Tumango-tango si Marco at pumalakpak din. Tinago ko ang ngiti ko, natatawa kasi ako sa reaction niya. "Magaling, Ysa," aniya.


Nakita ko sa peripheral vision ko na tinignan ako ng katabi ko at nag-Tss, dahil siguro sa ginawa ni Marco.


"Itatayo na natin yung booth sa covered court, yung mga hindi artist, tulungan niyo ako na mag-ayos sa baba, yung matitira rito, magsimula na kayong magpaint at pagkatapos na matuyo yung mga paintings niyo, dalhin sa office ko. Ayos ba 'yon?" tanong niya sa'min. Makikita mo talaga yung authority sa mukha niya lalo na kapag nag-iigting yung panga niya at sa kabilugan ng boses niya, mapapasunod mo talaga lahat.


Big City (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon