Ipinasok ako ni Trevor sa kwarto nila. Kinabahan pa ako dahil walang tao sa loob, baka kung anong isipin ng mga tao sa labas.
Inupo niya ako sa kama at kinuhaan ng tubig.
Kumuha siya ng upuan at nilagay sa harapan ko, umupo sa dito at ipinatong ang siko sa hita niya. Iniwas ko ang tingin ko. "Parang ang init dito sa loob," aniko at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko.
"Liar. 20° celsius 'yang aircon," aniya sa akin.
Huminto ako sa ginagawa ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Para siyang pulis at ako ang inaaresto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong ikikilos ko dahil sa tingin ko ay kalkulado niya ang bawat paggalaw ko.
"Ysa," tawag niya sa akin.
"Yes?" Tanong ko habang malikot na iniikot ang mata makaiwas lang sa kaniya.
"How are you feeling? Kamusta yung paa mo? Legs mo?" Tanong niya sa akin.
Saglit ko siyang tinignan at umiling. "Ayos na, hindi naman gano'n kasakit yung paglaglag ko, hindi lang talaga ako makatayo kanina." Shit talaga. Sinubukan kong hawakan yung balakang ko, ayos naman na, hindi na masakit.
Akma akong tatayo. "Aalis na ako," aniko sa kaniya kaso ay hinawakan niya ang beywang ko at inupo ako.
Shit. "Why did you do it?" Tanong niya sa akin. Sinilip ko ang mata niya na ngayon ay parang nag-aalab na nakatingin sa akin.
"Ang ano?" Tanong ko sa kaniya.
"Why are you eavesdropping?" Pumikit ako nang mariin. Sorry na, hindi ko sinasadya.
"Hindi ko sinasadya, Trevor," sagot ko sa kaniya.
"That's impossible, Ysa. Anong narinig mo?"
"Hindi naman lahat, siguro yung kalahati lang." Ngumuso ako at nagkamot ng batok.
"Still eavesdropping. Anong narinig mong sinabi ko?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. A-anong--bakit niya tinatanong? "H-hindi ko na maalala."
"Liar."
Damn. It. Shit. Pinikit ko ang mata ko at sinagot ang tanong niya. "A-ayaw mo na kay Yena?" Patanong ito dahil hindi ako siguro kung tama ba ang sinabi basta iyan ang narinig ko.
"Kasi?" Anong kasi?
Inilingan ko siya. "Hindi ko alam. Bakit sa akin mo tinatanong?" Ibang klase talaga ang isang ito. "Hindi naman ako manghuhula."
Tumawa siya saglit at dito ay nag-iba na ang atmosphere ng paligid. Ang kaninang seryoso na nakatingin sa akin ay naging pilyo na. "Ayaw ko kay Yena kasi?"
"Malay ko sa'yo." Inirapan ko siya naikinasimangot niya. Edi may iba siyang gusto kaya ayaw niya na kay Yena. "Kasi may iba kang gusto?" Malay natin kung may iba ba talaga siyang gusto o baka ayaw niya lang talaga kay Yena.
Tumangu-tango siya. "Tama. Sino?" Huh? Okay, the joker side is on.
Inirapan ko siya. "Anong sino? Baliw ka na ba at ako ang tinatanong mo kung sinong gusto mo?" Nakakagigil, porket ba gusto ko siya pwedeng-pwede na niya akong gani-ganitohin?
Umiling siya habang pilyong nakangiti sa akin. "Sinong gusto ko?" Bakit ba sa'kin niya tinatanong?
"Itanong mo sa sarili mo, bakit ako ang tinatanong mo?" Sumimangot ulit siya, Grrr.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...