Kinunotan ko siya ng noo at binanggit ang pangalan niya. "Marco?" Ani ko. I thought, Mr. Lim?
"Marco Jayme," pag-bu-buo niya.
Bakit si Marco ang nasa harapan ko? Hindi nagbago ang itsura niya mas naging firm lang kumpara noon.
"B-bakit--" Muli ay tinagilid ko ang ulo ko at kinunotan ko siya ng noo. "Ka nandito?" Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at ito agad ang sinabi ko.
Mariin niya akong tinignan, kita ko ang pagbuo ng ngiti niya sa gilid ng kaniyang labi. "Formalities, Ysa." Nanliit ako sa sinabi niya. Ang tanga ko sa part na hindi muna ako bumati sa kaniya.
Umayos ulit ako ng upo at nilunok ang kung ano mang bagay ang nasa lalamunan ko.
"Good morning, Ysa Alessandra Laurent, Saint Martin's Chief-Executive-Officer," ani ko sa kaniya at nginitian ng komportable kahit ako sa sarili ko ay hindi.
"Alessandra Laurent Saint Martin," pagtatama ko sa pangalan ko.
Nakakagulat na si Marco ang nasa harapan ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang naaalala ko lang ay senior siya noong highschool pa lang ako.
Itinaas niya ang kamay niya matapos sabihing "I don't care if you change your name, you're still the Ysa Laurent, I knew. What a beaut."
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. He told this to me before, he told me I was a beaut too.
"Marco Jayme, Berkshire's Chief-Executive-Officer."
Clueless akong tumingin sa kamay niya, iginalaw niya ito kaya napatingin ako sa kaniya. Gulat pa rin ako sa prisensya niya.
Ano na kayang estado sa buhay ni Marco? May asawa na kaya ito? Girlfriend? Anak? O 'di kaya ay hiwalay?
Ano ba 'yang mga naiisip ko.
"Kamusta ka?" Tanong niya sa akin.
Nagkibit-balikat ako habang nakatingin sa kaniya. "Nakakagulat."
"Well, hindi na ako magtataka. Ganito ka rin no'n 'di ba? Nung first day ko sa room niyo? You're like a stiff," natatawa niyang sinabi.
"Huwag mo na nga ipa-alala," aniko sa kaniya.
"Well, Mr. Lim is my secretary. Hindi ako pumupunta sa mga partnership at kung ano mang meeting outside my company. Pero nung nalaman kong Laurent ang CEO ng Saint Martin's, I did. Pumunta ako, gusto ko kasi ng explanation." Tinignan niya ako nang pabirong nanlilisik ang mata.
"Will you stop?" Natatawa kong sabi. "There's no explanation. Alam mo naman 'di ba? Kumalat naman sa school 'di ba?" Ayaw ko na talagang balikan ang mga nangyari noon. Ni katiting na detalye ay ayaw ko ng balikan.
Tumangu-tango siya. "Yup. I'm glad you're great." Tinignan niya ako na para bang ine-examine.
"You're great too."
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...