PROLOGUE

11.1K 218 9
                                    

PROLOGUE


“Luther! Archie! Wake up! Damn it!” Bulyaw ni Philip sa aming dalawa ni Archie.

Archie Tañada and Philip Tan are my fucking idiot buddies. Kasama ko sila sa lahat ng mga kalokohan. Sa gimik at mas lalo na pagdating sa mga babae.

“My mom’s coming! She’s already on her way. Fuck it! You two, get up! Hurry!”

“What the hell, Phil! I'm sleeping!” Si Archie na pupungas-pungas pa.

“Stupid moron. We're still sleeping, can't you see?” Napamura na lang ako at bumangon na rin. “Fucking shit! My head’s spinning like hell!”

“Fuck you! Hindi ko sinabing maglasing ka pagkatapos ay magrereklamo ka. That’s what you get for drinking too much alcohol. Idiot.” Panonopla ni Philip sa akin habang abala sa pagliligpit ng mga kalat namin kagabi.

Iningusan ko siya. Tarantado 'to. Porque narito kami sa teritoryo niya, pagagalitan na lang kaming parang mga bata.

“Will you just fucking shut your fucking filthy mouth and give me a fucking painkiller?”

He glared at me. “Get it yourself, you lazy dumbass!”

Archie groaned.

“Both of you, shut up! Ang aga-aga nagbabangayan na naman kayong dalawa. Palibhasa parehong mga estupido.”

Sabay kaming nagbaling ng tingin ni Philip kay Archie. Para namang wala lang dito ang mga sinabi niya sa amin dahil sumandal pa ito sa poste ng kama at pumikit.

“Mind your own fucking business, Archie,” I hissed.

“Malapit na si Mommy kaya mag-ayos na kayong dalawa at magsilayas na kayo sa pamamahay ko.”

As much as I want to stay in the bed for the whole day, I don’t want to face his nagging mother. Doon talaga nagmana si Philip.

“Dalian niyo na!”

“Fuck you, Intsik!” Si Archie na imbes tumalima sa pantataboy ni Philip, nag-inat pa. “Nagugutom ako, Phil. Magpa-almusal ka muna bago ka magpalayas.” Hinihimas-himas pa ang kanyang tiyan.

“No. Umuwi na kayo at doon kayo sa mga bahay niyo magsilamon, mga gago. Kumilos na kayo at nang makalayas na bago pa dumating si Mommy dahil kung hindi, pare-pareho tayong sasabunin niyon kahit walang tubig.” Philip said as a matter of fact.

Nagpakawala ako ng hininga. Tinatamad pa rin talagang kumilos.

“Hey, Luther,” tawag ni Archie sa akin. Kinunutan ko siya ng noo. Ngumisi naman siya. “Sasabay na lang ako sa iyo. Tinatamad akong magmaneho.”

Nginiwian ko siya. “Sinabi ko na ngang masakit ang ulo ko pagkatapos ay dadagdag ka pa? Magmaneho kang mag-isa mo.”

Dinampot ko ang T-shirt kong ibinato sa akin ni Philip kanina at nagmamadaling isinuot iyon.

“Wala ka talagang kuwentang kaibigan,” nakasimangot na sabi ni Archie habang inaayos ang kanyang sinturon.

Ngumisi lang ako sa kanya bago dinampot ko ang iPhone at susi ng kotse ko. Dire-diretso na ang lakad ko palabas.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon