CHAPTER 22

3.8K 129 3
                                    

LUTHER’S POV :

Since Divorce is not yet available here in the Philippines, the only option to end my marriage with Maurine is Annulment. In this case, kailangan kong mag-state ng ground against her and that ground was Mental Incapacity.  Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin ni Maurine dahil maging ako man ay hindi rin ito matanggap.

The moment i leave her in my house last saturday, was the moment my heart shattered into pieces. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak at lumuhod sa harapan niya noon dahil mas lalo lang kaming mahihirapan kapag ginawa ko ‘yun.

Habang papalayo ako sa bahay namin, nakita ko pa sa side mirror ang asawa kong napaluhod sa driveway. ‘yun na rin ‘yung time na hindi ko napigilan ang luha ko. Nakakabaklang tingnan at malaman pero umiyak talaga ako habang nagmamaneho.

“Luther? What are you doing here? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?” Tanong ni Laciana.

“Pumasok ka sa loob, Laciana. Just fucking leave me here.. alone!”

“Bakit ka ba naninigaw?!”

“You know what? Kasalanan mo ang lahat ng ito e. Kung hindi dahil sa kakatihan mo, hindi aabot sa ganito ang buhay ko. Tinuring kitang magandang panaginip noon, Laciana, pero nu'ng iwan mo ako, naging isa ka nalang masamang panaginip pero sa mga ginagawa mo ngayon? You're my fucking nightmare!” Sigaw ko sa kaniya.

“Why don’t you just give us another chance? Let's give it a try and who knows— ”

“Shut up, Laciana. Katawan ko lang ang nandito ngayon pero ang puso ko, naiwan kay Maurine. Huwag mo akong kausapin dahil baka makalimutan kong dinadala mo ang anak ko.” Tiim-bagang kong wika.

“Luther, ano ba? Kung ganito din naman pala ang pakikitungo mo sa'kin mas mabuti pang— ”

“Ipalaglag mo nalang ang bata?! Sa susunod na marinig ko ‘yan sa’yo, hindi ako mangingiming ikulong ka sa kuwarto at saka ka nalang lalabas kapag manganganak ka na. Huwag mo rin akong subukan, Laciana.” Banta ko sa kaniya. “Pasok!” Bulyaw ko sa kaniya pero bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ng bahay, biglang may pumaradang itim na kotse sa mismong gate ng bahay ni Laciana.

Nangunot ang noo ko nang bumaba mula roon ang mga kapatid ni Maurine na sina Kuya Tyson at Tristan. Galit na galit ang mga mukha ng dalawa.

“Lumabas ka diyan, Luther!” Sigaw ni Tristan.

“Luther, No. Pumasok ka nalang sa loob, please— ”

“Shut up, Laciana.” pigil ko kay Laciana saka ako humugot ng malalim na paghinga. “Just go inside.” Utos ko sa kaniya.

I walk towards the gate. Paglabas ko rito ay kaagad sumalubong sa mukha ko ang kamao ni Tristan. 'tang ina! ang sakit nun ah.

“Ang kapal ng pagmumukha mong akusahan ng Mental Incapacity ang kapatid namin hayop ka!” He punched me right in the face again. “Tinanggap ka namin sa pamilya kahit na noon pa man, ayaw na namin sa’yo para sa kapatid namin dahil sa pagiging hayok mo sa laman!” Galit na galit na sigaw nito na binigyan pa ako ng magkasunod na suntok sa mukha at sipa sa tiyan.

“Tandaan mo ‘to ah.” This time, Si Kuya Tyson naman ang lumapit na binigyan  kaagad ako ng isang uppercut. napaubo nalang ako sa lakas nun. 'tang'na. May lahi bang boksingero 'tong mga ‘to? “Ayaw ka na naming makitang lalapit sa kapatid namin dahil kung hindi, hindi lang ‘yan ang aabutin mo— ”

“Kuya.”

Hindi ako nakagalaw nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Kasama nila pero hindi niya inawat ang mga kapatid niya?

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon