MAURINE’S POV
“Where do you think you're going?” Kukurap-kurap na tanong sa akin ni Luther nang lalabas sana ako sa kuwarto niya pagkatapos ko siyang ihiga sa kanyang kama.
“Buwisit ka. Sa bigat mo ba naman natural mapapagod ako kaya iinom muna ako ng tubig.” Pananaray ko sa kanya na tumawa lang.
Pati ba naman ang pagtawa ng mokong na ito ay sexy pa rin pakinggan? Hmm.
“Balikan mo ako...” Anas ng lasing na Luther. Sarap sipain.
“Ayaw ko. Uuwi na ako.” Sabi ko.
“Stay. Please...”
Tss. Marunong pa lang mag-please ang gago. Hindi ko na siya sinagot pa. I turned around and walk out of his room. Nagtungo ako sa kitchen at kumuha ng tubig sa Ref.
Tsk. Ang yaman-yaman niya pero wala man lang puwedeng makain sa loob ng Ref niya? Seryoso? Anong kinakain niya?
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay kumuha rin ako ng para sa mokong saka ako naglagay ng tubig sa maliit na palanggana at dinala sa room niya.
Pupunasan ko siya para mahimasmasan naman kahit paano.
“Hoy, magaling na lalake, umayos ka nang higa kundi paliliguan kita riyan.”
“Uhmm... Gusto ko nang matulog,” aniya saka ipinikit ang mga mata.
Hinayaan ko na lang siya at pinanood ang paglalim nang hininga niya senyales na natutulog na siya. Dinig ko na rin ang kanyang paghilik at natawa ako.
“You look like an angel when you are sleeping, Bud,” I said.
Lumapit ako sa walk-in closet ng loko para kumuha ng bimpo na gagamitin kong pamunas sa kaniya.
“This would be the first and the last time na gagawin ko ito sa iyo, Mr. Arrogant.” Sabi ko. “Lalakasan ko ang loob kong punasan at palitan ka ng damit tutal tulog ka naman kaya mababawasan ang hiyang nararamdaman ko sa gagawing ito.”
Binasa ko ang bimpo na hawak ko saka ko piniga at ipinamunas sa kanyang mukha, leeg, kamay at braso. Nang matapos ko siyang punasan ay naghanap naman ako ng pamalit niya.
Lakas-loob kong inalis ang suot niyang damit at anak ng kabayo! Walong pandesal ang sumalubong sa akin!
Nagpakawala ako nang hininga. Hindi dapat ako matukso. Dapat dalagang pilipina pa rin ako. Hinubad ko ang kanyang sapatos.
Muling huminga nang malalim at nag sign of the cross ako dahil ang kanyang pantalon na ang huhubarin ko.
Anak ka ng kabayo!
Dali-dali akong tumalikod nang makita kong brief na lang ang natitira kay gagong Luther.
Bakit hindi na lang kasi boxer short ang suot? Mas okay iyon para naman medyo mas mahaba kumpara sa brief 'di ba? Mas matatakpan iyong... iyong ano niya. Walang ‘ya! Parang sinadya.
Ramdam na ramdam ko na ang pag-iinit ng aking buong mukha. Shit na malutong! Ang laki naman ng bukol! I bit my lip unconsciously.
Ang landi mo, Maurine! Umayos ka nga! Bilisan mo na riyan.
Kastigo ng kabilang bahagi ng utak ko.
Okay, Maurine. Breathe in, breathe out. Kaya mo 'yan. Mabilis lang 'yan.
Kinuha ko iyong cotton pajama niya saka ako pumikit para hindi ko makita si General baka biglang sumaludo at baka matukso pa ako. Dahan-dahan kong isinuot sa kanya ang pajama niya. Ingat na ingat para hindi ko siya magising. Hindi ko na siya sinuotan ng damit dahil maalinsangan naman.
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...