CHAPTER 13

4.6K 156 0
                                    

LUTHER'S POV:

"So, going strong na ba ang marriage life ninyo ni Maurine?" Tanong ni Archie sa'kin. Magkakasama na naman kaming tatlong magkakaibigan dito sa bahay nila Philip.

I nodded. "Yeah. I Just can't believe na ako din pala ang magiging biktima ng iniisip kong divorce noon. You see? i'm really really head over hills in love with my wife right now. " umiiling na sabi ko.

Tinawanan ako ni Archie pero si Intsik, nanatiling walang imik na akala mo may mabigat na problema.

“Kakainin mo din naman pala lahat ng mga sinabi mo sa amin noon.” Archie said, smirking like a fool. “Pero paano si Laciana?”

I frowned. “Bakit nasama ang pangalan ni Laciana sa usapan natin?” i asked.

“Bro, Bumalik na— ”

“Archie, Ex-Girlfriend ko si Laciana. Wala na akong pakialam sa buhay niya ngayon. She can do whatever she wants now.” sabi ko. “Tapos na kami, Archie, kaya tigilan mo na ang kakabanggit sa pangalan niya lalo na kapag kasama natin si Maurine. I don't want her to get jealous.”

Nasaktan ako nang ipagpalit niya ako sa isang sikat na artista. Mahal ko siya e. Minahal ko siya. Pero ngayon, nabaling na lahat ng pagmamahal ko sa asawa ko.. higit pa.

“Fine. So, dapat na ba kaming mag-expect ng inaanak soon?”

“Yeah. Maurine and I, are already working on that.” i said with a mischievous smile.

“That's good.” Seryosong aniya ni Archie. “Hey. Kanina ka pa walang imik d’yan. Anong problema?” Baling niya kay Philip.

Tinungga ni Philip ang laman ng kaniyang baso na whiskey saka kinamot ang kaniyang batok.

“Yeah.” he mumbled. “There's a girl who caught my attention ever since i laid eyes on her And she keep on hunting my fucking mind. Lagi ko siyang nakikita sa panaginip ko. Nakikita ko siya sa bawat babaeng makasalubong ko. Dammit!” Puno ng prustasyong saad ni Philip.

Natawa ako sa pinagtapat ni intsik. Matindi ang tama nito sa babaeng 'yon kung sino man 'yon. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkakaganito siya.

“E anong ginagawa mo? Bakit hindi mo ligawan tutal malakas naman ang impact ng pana ni kupido sa’yo?” Nakangising suhestiyon ni Archie kay Philip.

“Hindi na puwede.” Malungkot na aniya ni Philip na sinalinan na naman ang baso niya ng whiskey saka diretsong tinungga.

“What do you mean?” I asked.

Mapaklang tumawa ang kaibigan ko saka sumandal sa kaniyang upuan. “Hindi na puwede, Luther. Hindi ko na siya puwedeng ligawan dahil nakatali na siya.”

Nagkatinginan kami ni Archie sa sinabing iyon ni Philip. Malakas nga talaga ang tama ni Philip sa babaeng ‘yon kaya malaki rin ang problema niya ngayon.

“Kung ang mag-asawa nga naghihiwalay, ang magkarelasyon pa kaya?” Biglang wika ni Archie. “Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo maghiwalay sila ng boyfriend niya at— ”

“Hindi boyfriend ang kalaban ko dito, Chie, kundi asawa.” Putol ni Philip kay Archie na ikinagulat ko. “Kaya huwag mo ng sabihin ‘yan dahil ayaw kong umasa at dahil alam kong wala naman talaga akong pag-asa.” dagdag niya. “Kahit katiting.”

Sandaling katahimikan ang namayani sa aming magkakaibigan. Napatingin ako kay Philip, tumutungga na siya sa mismong bote ng whiskey kaya inagaw ko ‘yun.

“Tama na, Bro.” Malumanay na sabi ko. “Pag-usapan natin ng maayos ang problema, okay? Huwag mong daanin sa paglalasing dahil nasisiguro kong hindi ka matutulungan niyan.”

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon