LUTHER’S POV :
Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin at maramdaman nang oras na nakita ko ang mga sinend ni Philip sa’kin na pictures nina Paul at Laciana. Gusto kong matuwa dahil kapag nagkabalikan silang dalawa, makakalaya na ako kay Laciana. Pero naiinis din ako dahil hindi ko alam kung ano talagang plano ni Laciana. Ginagamit lang ba niya ako?
Gustung gusto ko siyang kumprontahin pero naisip kong hindi siya aamin dahil sa galing nitong maglaro. Pupuntahan ko si Paul pero kailangan ko munang makausap ang kaibigan ni Laciana na sinasabi nitong kikitain niya that day.
“Luther? What are you doing here?” Gulat na gulat na tanong ni Kimberly nang mapagbuksan niya ako ng gate nila. “Kasama mo ba si Laciana?” Tanong nito.
“Hindi. Saka bakit mo ba hinahanap si Laciana? magkasama lang kayo nu'ng nakaraan ‘di ba?”
“Ha? Hindi ah. Huling pagkikita nga namin ay nu'ng pumunta ako sa bahay niya tapos ikaw lasing na lasing na nakahiga sa sofa.”
Shoot!
“Ah, ganoon ba? Akala ko kasi magkasama kayo. Bakit hindi mo muna puntahan sa bahay para may kasama naman siya dun?” Sabi ko para hindi niya ako mahuling hinuhuli ko siya.
“Hindi kasi ako puwede ngayon, Luther.” aniya. “May pinapaasikaso kasi sa’kin si Mommy kaya saka ko nalang dadalawin si Laciana.”
“Ah, okay. Sige, mauna na ako. Dinaanan lang talaga kita para sana pakiusapang samahan si Laciana.” palusot ko.
“Pasensiya na ha?”
“Okay lang, Kim. Sige, mauna na ako. May Lalakarin pa kasi ako.” Paalam ko.
“Sige.”
Huli ka ngayon, Laciana.
Sumakay ako sa kotse ko pero bago ko pa man paandarin, kokontakin ko muna si Philip.
“Yes, Luther?”
“Hey. Nandiyan ba si Paul sa bahay niya?” Tanong ko.
“Yeah. Nandito ‘yung kotse niya kaya malamang nasa loob lang ng bahay niya.” Sagot ni Intsik.
“Good. Papunta na ako diyan.”
“Si Archie kasama mo na?” He asked.
“Hindi siya makakasama kasi may kikitain daw siyang investor sa company ng Daddy niya.” Sagot ko. “Sige na, Bro. Ibababa ko na ‘to.”
“Okay. Drive safely, man.”
“Thank you and i will.”
I turned on the car engine. Sisiguraduhin kong malalaman ko ang lahat ng gusto kong malaman ngayon. Pipigain ko ang Paul na ‘yun.
Kampante akong nagmamaneho nang mahagip ng mata ko mula sa side mirror ang isang puting kotse sa likuran ko na alalay lang din ang takbo niya. Napangisi ako nang mapagtanto kong kotse ito ni Kimberly. Gusto mo akong sundan? Sige.
Inapakan ko ang silinyador kaya para na akong nakikipagkarera ngayon sa sobrang bilis ng takbo ko. Malayo na rin ang distansya ko sa puting kotse. Akala ba ng babaeng ‘to mahuhuli niya ako? Mahahabol niya ako? Tsk.
Natawa nalang ako nang hindi ko na makita sa likuran ko ang kotse ni Kimberly. Tiyak na magrereport ‘yun kay Laciana kapag nalaman niyang kay Paul ako pupunta. Mabulilyaso pa ang plano ko e.
An Hour Later ..
I parked my car in front of Philip’s Grandparents house. Maya-maya lang ay bumukas na rin ang gate nila kaya halatang inaabangan talaga ako ni Intsik. Lumabas ako ng kotse ko at nilapitan si Philip.
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...