NICHOLAS POV :
Ang makita siyang masaya ay sapat na sa’kin para maging maligaya. Iyon lang naman ang tanging hinangad ko sa babaeng una kong niligawan pero nagkataon pang busted. Nakakatawa. Pero ayos lang. Sa Ilang buwan na nalayo ako sa kaniya, unti-unti ko ring natanggap na wala akong pag-asa kay Maurine at unti-unti ko na ring nakalimutan ang espesyal na nararamdaman ko sa kaniya. Mahirap mag move on pero mas mahirap ang makulong sa One Sided Love. Kaya kung mahal mo talaga, hayaan mo siyang maging masaya kahit pa sa iba siya sasaya. That's the true essence of Happiness and Love. Matutong magpalaya at matutong tumanggap ng pagkabigo.
“Ayos ka lang, Nik?” Tanong ni Manang Dolly. Ang kasambahay ko.
“Ayos lang ako, Manang.”
“Mabuti naman at umuwi ka na. Nagamot mo na ba?” May kakaibang kislap ang kaniyang mga mata.
“Wala naman akong sakit, Manang.”
“Ang puso mo.” aniya. “Iyang puso mo ang tinutukoy ko.”
I chuckled. “Wala din naman akong sakit sa puso.”
“Sugatan ‘yan nu'ng umalis ka, Nik. Ngayon sabihin mo nga sa’kin, nagamot mo na ba?”
“Yes, Manang. Kaya nga ako umalis para makalimot.” Natatawang sabi ko.
“Kumusta naman? Wala ka man lang bang nakilala sa Australia na — ”
“Wala, Manang.” Putol ko sa kaniya. Alam ko na kasi kung anong ibig niyang sabihin. “Hindi naman ako nagpunta roon para makipagkilala sa mga tao roon.” Dagdag ko. “Palagay ko, Si Maurine lang ang masasabi kong naligawan ko dahil siya na rin ang huli. Hindi na ako manliligaw kasi alam niyo na, iwas busted.” Sabi ko na sinundan pa ng pagak kong tawa.
Huminga ng malalim si Manang. “Nik, Bumalik na naman ba ang takot mo?” May bahid pag-aalalang tanong sa'kin ni Manang.
“Hindi, Manang. It's just that, tanggap ko na talagang tatanda akong mag-isa.”
“Nik, huwag namang ganoon. May kaya ka naman sa buhay. May itsura ka naman. Masipag ka naman. Mabait. Alam mo kung anong kulang sa’yo?”
“Confidence.” sabi ko.
“Tama.” Matiim na tumitig si Manang Dolly sa'kin. “Matagal na tayong magkasama, Nik. Hindi nalang amo ang naging turing ko sa’yo kundi nakababatang kapatid at alam kong tinuring mo din akong kapatid kaya nasabi mo lahat sa akin ang mga pinagdaanan mo sa buhay simula pagkabata.”
I nodded. “Alam mo namang may respeto at tiwala ako sa'yo.”
“Nik, Bakit hindi mo subukang patawarin ang Tatay mo nang sa gayon ay mapalaya mo na rin ang sarili mo sa iyong nakaraan?”
Umiling ako. “He brought so much pain to me and my mother. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap sa puso ko ang pagpapatawad. Nawalan ako ng ina dahil walang amang tumulong sa amin nang magkasakit siya.”
“Hindi gugustuhin ng Nanay mong makita kang patuloy na nagtatanim ng sama ng loob sa’yong ama, Nik. Believe me, Subukan mong isipin kung anong turing ng Tatay mo sa’yo bago siya nagloko— ”
“Naging mabuti ang trato niya sa akin noon kaya mas masakit ngayon sa akin sa tuwing maiisip ko kung gaano ako naging masaya nang mga panahon na ‘yun, Manang. Nagagalit ako sa tuwing naiisip kong pinagpalit niya ang kasiyahang iyon sa isang babae.” Hindi ko mapigilang ikuyom ang palad ko.
“Nik, hindi kita pipiliting magpatawad pero huwag mong isarado ang isip mo para umunawa. Hanapin mo rin sa puso mo ang pagpapatawad dahil para din naman sa'yo ‘yun.” Payo ni Manang. “At saka malay mo, pinagsisisihan na rin ng tatay mo ang ginawa niya 'di ba?”
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...