LUTHER’S POV :
“Maurine?!” Gulat na tanong ko nang makita kong umiiyak siya. I didn't do anything to make her cry. I didn't —
Sinundan ko ang tingin ng asawa ko at ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Laciana na nakayakap sa’kin at — What the fuck? Why are we both naked?!
Marahas kong tinulak si Laciana na napatili nang bumagsak siya sa sahig. Wala akong pakialam 'cause all i'm thinking right now is my wife. Ang asawa kong umiiyak at nakita akong hubo't hubad katabi si Laciana sa iisang higaan.
“Maurine, please— ”
Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang malungkot na ngiti ni Maurine habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa pisngi niya. Wala akong ibang maramdaman kundi ang matinding pagsisisi pero alam ng panginoon na wala akong alam sa mga nangyayaring ito.
“Maurine, Let me explain, please.” Sumamo ko sa asawa ko habang sinusuot ang damit ko.
“Where do you think you're going?” Boses ni Laciana.
“You shut up! This is all your fault, Laciana. I don't even know why i'm here.”
“Of course you do so please, stop lying, Darling. Hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang sa narito ang asawa mo.” wika ni Laciana. “Alam ko naman kung gaano ka nag-enjoy sa mga ginawa nating dalawa kani— ”
“I said shut up!” Galit na sigaw.
“Oh! relax, Darling. Huwag mo akong intindihin, habulin mo nalang ang asawa mo.” Aniya dahilan para mabilis akong mapatingin sa pintuan pero wala na roon si Maurine.
“Manalangin kang hindi masira ang relasyon naming mag-asawa dahil kung hindi, sinisiguro kong pagsisisihan mong ginawa mo ang kawalang-hiyaan na ito, Laciana.” Matalim ang matang sabi ko sa kaniya saka siya tinalikuran.
“Luther?” Tawag sa'kin ni Laciana bago pa man ako tuluyang makalabas ng kaniyang kuwarto. “Hindi ako papayag na abandonahin mo lang ako pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko. Hindi ako natatakot sa'yo. Ikaw ang dapat na matakot sa kung anong kaya kong gawin.” Banta niya sa'kin pero hindi ko 'yun ininda dahil iniisip ko ang asawa ko.
“Babalikan kita at magtutuos tayo, Laciana. You can't just ruin my life just like that. Babalikan kita.” Balik banta ko saka kumaripas ng takbo palabas ng kaniyang bahay.
Mas hindi ko kakayanin kapag magpasiya si Maurine na iwan ako dahil sa nangyaring ‘to. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
“Maurine! Maurine!” Sigaw ko sa pangalan ng asawa ko. Umaasang maaabutan ko pa sa Labas.
Naabutan ko nga pero pasakay na siya sa isang kotse. Kotse iyon ng kapitbahay naming si Nicholas Fuentes. Bakit sila magkasamang dalawa?
Dammit! Hinabol ko sila at kinalabog ang bintana sa passenger side. “Open up!”
Hindi nila ako binabaan ng bintana at sa halip ay umibis na sila ng takbo at iniwan ako. Hindi ko rin mahanap sa lugar ang kotse ko kaya kinailangan ko pang maglakad palabas ng Village.
Damn this Life!
Pumara ako ng Taxi at nagpahatid sa bahay namin ni Maurine. Umaasang kakausapin pa ako ng asawa ko at papakinggan pa niya ang eksplanasyon ko.
“Manong, Pakibilisan naman. Please.” Pakiusap ko sa Driver.
“Sir, masiyado na pong matulin ang takbo natin. Kung gusto niyong magpakamatay, mabuti pa'y bumaba nalang ho kayo.”
Hindi na ako umimik sa sinabi ng Driver. 'tang ina naman kasi. Ano ba kasing nangyari sa'kin? Galing lang naman ako sa pakikipagkuwentuhan sa dalawa kong kaibigan, paglabas ko ng bahay ni Philip— Tama! May pumalo sa'kin ng matigas na bagay kaya ako nawalan ng malay at hindi ko na alam kung ano pang mga sumunod na nangyari after that.
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...