CHAPTER 36

4.4K 138 9
                                    

LUTHER’S POV :

5 Months Later ..

“Will you stop pacing back and forth? Nakakahilo ka na. Alam mo ba ‘yun?” singhal ni Tristan sa'kin na kasama ko sa Labas ng Delivery room kung saan naroon ang asawa ko dahil manganganak na.

“Shut up, Tristan! Nag-aalala ako para sa mag-ina ko, okay? Kung bakit ba naman kasi bawal akong pumasok roon!” naiinis kong sabi.

“They will be fine, Luther. Okay? Kalma lang.” Tinapik-tapik ng kaibigan kong si Archie ang balikat ko. “Palaban ang asawa mo kaya kakayanin niya ‘yan.”

“Pero kanina pa siya sa loob! Baka kung—”

“Calm down, Luther.” aniya ni Tristan.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ganito ba talaga ang mga asawa ng mga nanganganak? Daig pa ang mismong manganganak kung mataranta.

“Tristan, what if my wife— ”

“Shut up, Luther. Pati ako natataranta dahil sa’yo.”

“E kung pumasok nalang kaya ako sa loob?” Tanong ko na kakamot kamot sa batok. “Hindi ko kaya kung — ” Biglang bumukas ang pinto ng Delivery room at lumabas mula rito ang babaeng doctor na umasikaso sa asawa ko kanina. “Doc, how's my wife? My baby? Okay lang ba sila?” sunud-sunod na tanong ko dahil sa matinding pag-aalala.

“She's — ”

“She's what? Doc, ano?” Putol ko sa sinasabi ni Doc.

“Relax, Mr. Varcancel.” Nakangiting wika ng doctor. “Mabuti na ang lagay ng mag-ina mo. Your baby is healthy. Congratulations.”

Thank, God!

“Babae O Lalake ang pamangkin ko, Doc?” Tanong ni Tristan.

“Baby Boy po ang pamangkin niyo, Sir.”

“Yess!” Biglang sigaw ni Archie. “Talo ka sa pustahan, Tristan. Akin na ‘yung Ducati mo, man.”

Napailing nalang ako at muling hinarap ang doctor. “Puwede ko na ba silang makita, Doc?”

“Hintayin mo nalang ang mag-ina mo sa kuwartong laan para sa kanila. Ililipat silang mag-ina pagkatapos silang malinisan.”

“Thank you, Doc.” Tatangu-tangong sabi ko.

“You're welcome and it's my job after all.” She said. “Again, congratulations, Mr. Varcancel.”

“Thank you.”

“So, I'll see you again later? Babalikan ko ang mag-ina mo mamaya para i-check sila, okay?”

“Okay, Doc.” Nakangiting tugon ko.

Nang makaalis ang Doctor ay nakahinga ako ng maluwag knowing na ligtas ang mag-ina ko at healthy pa ang baby namin.

“Congratulations, Daddy.”

Natawa ako sa sinabi ng gago kong kaibigang si Archie. “Thank you pero huwag mo akong tawagin ng ganiyan. Ang sagwa, Bro.” Sabi ko.

Archie laughed. “Fine. Puntahan mo na ‘yung private room ng mag-ina mo. Sisingilin ko muna si Tristan na natalo sa pustahan namin.” Nakangising aniya saka niya tinapik ang balikat ko.

“Hindi mo ako sasamahan sa kuwarto ng mag-ina ko, Tristan?” Tanong ko sa bayaw ko.

“Nah. Mamaya nalang. Ikaw na muna ang pumasok dun para hindi ko maistorbo ang pag-welcome mo sa Prinsipe ninyo ni Maurine.” Tristan said. “Congrats, Man.”

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon