CHAPTER 21

3.8K 129 0
                                    

A/N : Kailangan natin ng POINT OF VIEW ni Sir Nicholas kaya pagbibigyan natin at baka kailanganin din natin si Sir Philip (Intsik). Baka lang naman. HAHA 😂 Muaah!

---

NICHOLAS’S POV :

“Maurine..” tiningala ako ni Maurine nang marinig niya ang boses ko.

“Niko ..” Sambit niya sa pangalan ko habang masaganang bumubuhos ang luha sa kaniyang pisngi.

Naikuyom ko ang palad ko. Hahanapin ko ang Luther na ‘yun at ako ang gaganti para sa babaeng pinaiyak niya.

“Niko.. W-wala na s-siya.” Humihikbing aniya ni Maurine.

Nilapitan ko siya at inalalayang makatayo saka ko siya niyakap. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang umiyak habang nakasiksik ang mukha niya sa dibdib ko.

Mabuti nalang at nagkataong hindi ako umalis dahil kung hindi, walang titingin sa kaawa-awang si Maurine. Yeah. Nakita ko si Luther kaninang dumating at nakita ko rin ang muli niyang paglabas na may dala-dala ng dalawang malalaking maleta then minutes later, Maurine followed him outside.

And what i saw next made my heart broke. Kitang kita ko kung paano sundan ng tingin ni Maurine ang asawa niyang papalayo lulan ng kotse nito.. kitang kita ko kung paano siya lumuhod.

“Niko ..H-hindi ko kaya.”

“Maurine, hayaan mo na siya. Ang lalaking katulad niya ay hindi mo dapat iniiyakan— ”

“I love him.. I l-love — ”

“Maurine! Maurine!” Sigaw ko sa pangalan niya nang bigla siyang mawalan ng malay mabuti nalang at nakayakap ako sa kaniya kaya hindi siya bumagsak sa semento.

Binuhat ko siya at dinala sa loob ng kanilang bahay. May bukas na kuwarto kaya dito ko siya dinala at inihiga.

“You'll be fine, Maurine. Nandito lang ako. I will take care of you.” Bulong ko sa kaniya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Sinubukan kong kontakin ang kaibigan kong doctor and thanks to god, sumagot siya kaagad.

“Yes, Niks?”

“I need your help, man. Nawalan ng malay ‘tong kaibigan ko. Please, puntahan mo kami dito. Alam mo naman ang address ko 'di ba?”

“Yeah. I'll be there in 10 minutes.”

“Make it fast, Dan. Please.” Pakiusap ko sa kaniya.

“Okay, okay. I'm coming.”

Pinatay ko ang tawag saka huminga ng malalim. Muli kong tinitigan ang walang malay na si Maurine. Halata ang sakit at pagod sa itsura nito.

Bigla kong naalala sa kaniya ang Nanay kong iniwan din ni Tatay bata palang ako. Kitang kita ko kung paano nagmakaawa si Nanay noon para huwag kaming iwan ni Tatay but my Father’s heart is as hard as rock. Pinili niya ang babae niya over me and my Mother.

Simula noon, ipinangako ko sa sarili kong hinding hindi ko iyon gagawin sa babaeng mamahalin ko. Sa babaeng magiging ina ng mga anak ko.

Pero dahil sa galit ko sa Tatay ko at sa takot kong baka namana ko ang kahayupan niya, hindi na ako nagtangkang manligaw kahit gustung gusto kong maramdaman kung paano magmahal at mahalin. Natakot akong baka masaktan ko ang babaeng magmamahal sa’kin.

Tinanggap ko ang kapalaran ko. Kinalimutan ko ang galit ko sa Tatay ko pero nang makita ko ang ginawa ni Luther kanina, biglang nabuhay ang galit sa puso ko.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon