LUTHER’S POV :
Gumising akong mabigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi na rin ako pumasok sa kompanya dahil gusto kong makausap ang asawa ko ngayon at ayusin ang problema.
“Sir, gising na po ba kayo?” Boses ni aling Dalia.
“Oo, Manang.” sagot ko.
“Nakahain na po kasi ang almusal ninyo.”
“Lalabas na ako, Manang. Si Maurine ba gising na?”
“Gigisingin ko palang, Sir.”
“Sige, Manang.”
Pumasok ako sa bathroom at naligo. Hindi ko tatantanan si Maurine ngayon hanggat hindi niya pinapakinggan ang paliwanag ko.
Pero sana nga maayos pa namin ang problemang ‘to dahil kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Laciana.
Kaagad akong nagbihis nang matapos akong maligo saka Lumabas ng silid. Nadatnan kong nakatakip pa ang mga pagkain sa mesa, senyales na hindi pa kumakain ang asawa ko.
Bumuntong hininga ako saka tinahak ang daan papunta sa silid ni Maurine. Kakatok na sana ako nang bigla namang bumukas ito at tumambad sa’kin ang asawa ko. Sinalubong niya ang titig ko with her red and puffy eyes. Halatang umiyak siya ng matagal.
“Hon.” Usal ko.
“Yeah?”
“The food is ready.” i said.
Tinanguan niya ako saka tuluyang lumabas ng silid at tinungo ang kusina. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa'kin, bagay na ayaw ko. Mas gusto ko pa sanang sigawan nalang niya ako at saktan kaysa ganito. I can't stand her coldness towards me anymore.
Hinabol ko siya at ipinaghila ng upuan.
“Thank you.” She mumbled. “Bakit nandito ka pa?”
“Hindi ako papasok. Mag-uusap tayo ngayon, Maurine. Hindi ko kaya kapag nagpatuloy pa tayo sa ganito.”
She nodded. “Kumain muna tayo, Luther. Ayaw kong pag-usapan ang nangyari sa harap ng grasya.” aniya saka sinalinan ng pagkain ang kaniyang pinggan.
Kalansing ng mga kubyertos nalang ang naririg naming ingay sa pagitan naming mag-asawa dahil walang nagtangkang magsalita.
Maya-maya ay tumayo na siya. “Sumunod ka nalang sa kuwarto kapag natapos ka na.” aniya saka niya ako iniwan sa hapag-kainan.
Hindi ko na tinapos ang kinakain ko dahil agad akong tumayo at sumunod sa asawa kong pumasok sa silid namin.
“Can we talk now?” Tanong ko sa kaniya na nadatnan kong nakaupo sa kama.
She nodded. “Have a sit.”
Imbes na umupo ako sa tabi niya ay nilapitan ko siya at saka lumuhod sa harapan niya.
“Hon, I'm sorry. Hindi ako humihingi ng sorry dahil sa guilt ako. Humihingi ako ng sorry dahil umiyak ka.” Diretsahang sabi ko. “Pero sa maniwala ka’t sa hindi, wala akong alam sa nangyari.”
“Wala kang alam sa nangyari? Luther, nakita ko kayo. You were both naked. What am i supposed to think? to feel? Nasaktan ako, Luther. N-nasaktan ako.” Her voice cracked.
“Look at me, Hon.” Sinapo ko ang pisngi niya. “Wala akong alam. Wala talaga akong alam. I was with my friends yesterday pero agad din akong nagpaalam kasi inisip kita pero paglabas ko, may pumalo sa batok ko ng matigas na bagay kaya nawalan ako ng malay. Hindi ko na alam kung anong nangyari after that hanggang sa makita kita sa pintuan na umiiyak. Hindi ko nga alam kung nasaan ako kaya ako gulat nang makita kong katabi ko sa kama si Laciana at pareho kaming walang saplot.” pagtatapat ko. “Hon, please.”
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...