CHAPTER 29

4.1K 143 4
                                    

NICHOLAS’S POV :

Ako ang nagpadala ng mensahe kay Luther na nagsasabing nasa parke si Maurine. Ako ang tangang nagmamahal na gumawa ng paraan para magkita ang babaeng mahal ko at ang lalaking hanggang ngayon ay siyang laman pa rin ng puso niya.

Akala ko kaya kong palitan si Luther sa buhay ni Maurine. Akala ko kaya kong palitan siya sa puso niya but i was wrong. I am a stupid fool to believe that one day, ako naman ang mamahalin ni Maurine. Na ako naman ang titingnan niya ng may pagmamahal sa mga mata niya.

Umaga palang kahapon nang magsimula akong maghanap ng mga bagay na ibibigay ko sa kaniya para suyuin siya.. para magkabati na kaming dalawa pero nasa pintuan palang ako ng kanilang bahay, nadurog na ang puso ko nang marinig ko ang pag-uusap nila ng kapatid niyang si Tyson.

‘yung kaunting pag-asa ko sa kaniya, biglang naglaho. Biglang naglaho nang marinig kong si Luther pa rin pala ang nasa puso niya at ako? Kaibigan lang ako sa kaniya. Kaibigan na sandalan niya sa oras na nangangailangan siya. Pero wala akong pagsisisi dahil ginawa ko ang lahat ng ‘yun dala ng labis kong pagmamahal sa kaniya.

“Anong pag-uusapan natin?” Tanong ni Maurine.

Yeah. Inaya ko siya dito sa coffee shop na malapit lang sa kanila. Nakapagdesisyon na kasi ako.

“I just wanted to talk to you for the last time, Mau.” Sabi ko.

“What? Anong for the last time?”

“Alam mo namang hindi lang kaibigan ang turing ko sa’yo hindi ba? Alam mong mahal kita higit pa sa isang kaibigan.” nag-iwas siya ng tingin sa sinabi ko.

“About that— ”

“Ssshh... ” I shushed her. “Pakinggan mo muna ako, okay?”

“Okay.”

I took a deep breath. “The first time i saw you walking on the street, the first time i hear your voice, the first time you smiled at me, and the first time i heard your laugh, i instantly fell in love with you, Maurine.” I said. “Minahal kita ng palihim. Natutuwa ako sa tuwing tinatawag mo akong babe pero nakakalungkot isipin dahil temporary lang ‘yun. Naririnig ko lamang ‘yun sa’yo every time Luther was around. Minsan tuloy naisip kong ginagamit mo ako but then again i remember it was you. Si Maurine ka na may mabuting puso na hindi gagamit ng ibang tao para makapanakit ng isa pa.” i added.

“Niko ..” Sambit niya sa palayaw ko na sa kaniya rin mismo nanggaling.

“Sa una palang, gusto na kitang protektahan. Kaya nang nangyari sa inyong mag-asawa ‘yun, sinikap ko ng huwag umalis sa tabi mo. Sinikap kong pasayahin ka sa paraang alam ko dahil saksi ang diyos kung paano nadudurog ang puso ko kapag nakikita kitang nalulungkot O umiiyak.” Marahan akong natawa nang maramdaman ko nalang na may mainit na likidong umagos sa pisngi ko. “You know what? You're bad. Look what you did to me. Pinapaiyak mo ako.” pagbibiro ko.

“I’m sorry. Hindi ko gustong— ”

“Hey. Ano ka ba? nagbibiro lang ako.” Sabi ko para hindi niya sisihin ang sarili niya. “Hindi lang siguro tayo para sa isa’t-isa at kailangan kong tanggapin ‘yun. Siguro nga tinadhana talagang magiging matandang binata ako.” pagbibiro ko na ikinatawa ni Maurine. “Ngayon tinatawanan mo nalang ako.”

“Nakakatawa ka naman kasi.” aniya ni Maurine saka biglang nagseryoso. “You are indeed a good man, Nicholas. Alam kong may babaeng sadyang inilaan ng diyos para sa’yo at sigurado akong hindi ako ‘yun kaya maghintay ka lang, okay? Malay mo nandiyan lang siya sa labas nitong coffee shop.” aniya na ikinatawa ko.

“Hahanapin ko siya mamaya diyan sa labas kung gano’n.” pagbibiro ko. “Don’t worry, unti-unti ko namang natatanggap na hindi ko kayang palitan ang asawa mo diyan sa puso mo kaya nandito ako para magpaalam muna sa’yo.” Sabi ko.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon