LUTHER'S POV :
"What now?" Pukaw sa'kin ni Laciana na kasama ko ngayon sa kotse ko.
It's been a week since she told me she's pregnant with my child. Kakagaling lang din naming dalawa sa doctor na gumawa ng ilang test para mapatunayang sa akin nga talaga ang dinadala ni Laciana.
Kanina ay nalaman ko na ang resultang hindi ko alam kung blessing O sumpa dahil natitiyak kong iyon ang magpapaguho ng mundo ko.
"Luther!" Bulyaw ni Laciana sa'kin. "Tatahimik ka nalang talaga? anong plano mo sa amin ng anak mo?!" naiinis na tanong nito.
Yeah. Kumpirmadong anak ko nga ang dinadala niya kaya iniisip ko ngayon kung anong dapat kong gawin. Kung paano ko ba ito sasabihin sa asawa ko sa paraang hindi siya gaanong masasaktan.
"Susuportahan kita sa pagbubuntis mo hanggang sa manganak ka. Tatanggapin ko ang anak ko at kikilalanin niya akong ama pero ikaw? I have nothing to do with you, Laciana." Malamig na sabi ko.
Pakk!
Malakas na sampal ang naging tugon ni Laciana sa'kin habang matalim ang matang nakatitig sa'kin.
"Ako ang ina ng anak mo pero balewala lang ako sa'yo? Susuportahan mo siya?! Kikilalanin kang tatay paglaki?! No!" Galit na aniya. "Ipapalaglag ko ang batang 'to kung magiging balewala lang naman pala ako sa'yo." pagbabanta niya.
Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Go! Abort my baby and i will kill you, Laciana."
"Huwag mo akong hinahamon, Luther. Marami akong kayang gawin na hindi mo alam. Huwag mo akong subukan."
"Ang kapal naman ng mukha mong pagbantaan ang buhay ng sarili mong anak. Ginusto mo 'yan 'di ba? Napakawalang kuwenta mong tao! Nagpabuntis ka sa'kin ng wala akong kaalam-alam for what? Para magkaroon ka ng hawak sa'kin? Gagamitin mo ang anak natin para masunod ang kahibangan mo?!"
"Yes!" Sigaw ni Laciana. "Gagawin ko ang lahat para makuha ulit kita. Ngayon kung hindi ka rin naman pala babalik sa'kin, mas mabuti pang mawala nalang ang batang 'to dahil kapag binuhay ko 'to, palagi ko lang maaalala ang gago niyang ama."
"Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko, Laciana. Just don't! Do you understand?!"
"No! Makinig ka sa'kin, Luther. Kapag hindi ka nag-file ng divorce, mawawalan ng pag-asang makita ang mundong 'to ang sanggol na nasa sinapupunan ko." Banta na naman niya. "Hindi ako nagbibiro, Luther. You don't know what i'm capable of, kaya mamili ka na. Kami ng anak mo O ang asawa mong walang kuwenta?"
"Hindi ka ba talaga marunong umintindi, Laciana? Sabi ko, susuportahan ko ang anak- "
"Okay. Base sa sinasabi mo ngayon, you're now choosing your wife over me and our unborn child. Wala na akong magagawa, Luther. Huwag kang mag-alala, hindi mo na rin ako makikita at mas lalong hindi mo na makikita ang anak mo dahil ipalalaglag ko na siya." Aniya saka inalis ang seatbelt niya.
"What the hell, Laciana?!"
"Shut the hell up, Luther. Bumalik ka na sa asawa mo pero sisiguraduhin kong habang buhay kang kakainin ng konsensya mo dahil mas pinili mo siya kaysa sa anak mo.. kaysa sa aming mag-ina." aniya ni Laciana na umiiyak pa kunwari.
Kung hindi lang buntis ang babaeng 'to, kanina ko pa 'to napatulan. Nakakaubos na siya ng pasensiya e.
Lumabas siya ng kotse ko at saka pumara ng taxi. Lintik naman. Mabilis akong bumaba ng kotse at saka sinenyasan ang Taxi Driver na umalis na.
"Hindi ka ba talaga marunong umintindi, Laciana?! Gusto mong ipawalang-bisa ko ang kasal naming mag-asawa at sa'yo sasama? Para ano?! Para bumuo tayo ng sariling pamilya na ikaw lang naman ang magiging masaya?! Are you out of your mind, Laciana?"
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...