CHAPTER 19

4.1K 135 2
                                    

LUTHER’S POV :

“Sir, tumawag ang head security at sinabing may babaeng nagwawala roon sa lobby.” My secretary said. “Laciana daw po ang pangalan at gusto kang makita.”

“Jean, Sabihin mong tumawag ng pulis at ipahuli siya. Wala akong panahon para sa kaniya, okay? I'm busy.”

“Sir, hindi daw aalis hanggat hindi ka nakakausap. Puntahan mo daw kung ayaw mong si Ma’am Maurine ang pupuntahan niya.”

Napabuga nalang ako ng hangin. Ano na naman ba ang kailangan niya? Matapos ang ilang linggong tahimik na kaming mag-asawa, may Laciana na namang eeksena? Wala na ba talaga siyang natitirang respeto sa sarili niya?

“Sir?”

“Sabihin mo sa security na paakyatin nalang si Laciana dito at dito na kami sa opisina ko mag-uusap.” Utos ko kay Jean.

“Copied, Sir.” aniya saka lumabas ng opisina ko.

Sumandal nalang ako sa swivel chair ko habang hinihintay ang pagdating ng magaling na babae.

Maya-maya ay bumukas na ang pintuan ng opisina ko at pumasok rito ang Ex-girlfriend kong may ngiti sa mga labi.

“Hi, Darling.”

Dammit! Kung noon sarap na sarap akong pakinggan ang pagtawag niya sa’kin ng DARLING ngayon, pinandidirihan ko na.

Magkadaop ang dalawa kong kamay na ipinatong ko sa table ko saka tumitig ng diretso kay Laciana. “Get straight to the point, Laciana. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo.” nababagot na sabi ko.

“Why so harsh, Darling? Baka magtampo ang anak natin sa’yo?”

“Puwede ba, Laciana— ”

“Luther, I’m pregnant.”

“So? Bakit sa’kin mo sinasabi? Bakit hindi mo puntahan ang ama niyan— ”

“That’s why i'm here, Darling. Ikaw ang ama ng dinadala ko.”

Marahas akong tumayo at sinuntok ang lamesa.

“Will you shut the hell up?! Nababaliw ka na ba, Laciana?!”

“No, I’m not! I’m just telling you the truth, Luther. I’m 5weeks and 2days pregnant with your child.” aniya nito.

“That’s a bullshit, Laciana. Isang beses lang may nangyari sa atin at hindi ko pa alam kung may nangyari nga talaga O wala tapos ngayon sasabihin mo sa’king dinadala mo ang anak ko? Wala ka na ba talagang ibang maisip na paraan para makuha ako?! Are you that desperate— ”

“Kung ayaw mong maniwala, Bakit hindi tayo lumapit sa doctor para mapatunayan ko sa’yong buntis talaga ako?!” naiinis na sigaw ni Laciana sa’kin. “Kung ayaw mong panagutan ‘to, ipalalaglag ko nalang!”

“What the hell?!” Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa kaniyang sinabi. Kaya niyang gawin ‘yun sa sarili niyang anak?

“Just tell me if you are interested with this— ”

“Shut up!” Kinuha ko ang susi ng kotse ko. “Kailangan kong malaman ang totoo kaya pupunta tayo ngayon sa doctor.”

“Fine. Sa JBL tayo para mas malapit.” aniya.

Pinukol ko siya ng masamang tingin saka nauna ng lumabas ng opisina ko at malalaki ang hakbang na tinungo ang Elevator.

“Bakit ba ang bilis mong maglakad?” Tanong ni Laciana pero hindi ko siya pinansin.

Nasa Elevator palang kami ay hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Laciana? Paano kung ako nga talaga ang Ama ng dinadala niya? Paano ko sasabihin kay Maurine? Oh god!

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon