CHAPTER 30

4.5K 137 8
                                    

MAURINE’S POV :

Natigil ako sa pagsusuklay ng aking buhok nang biglang pumasok ng kuwarto ko si Mommy na nakangiti at may dalang gatas.

“Anak, here’s your milk.” aniya ni Mommy saka nilapag sa bedside table ko ang dala niyang isang basong gatas. “Inumin mo ‘yan bago ka matulog. Okay?”

“Yes, Mom.” Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa pag-upo sa kama ko. “Sana pinadala mo nalang po kay Manang Myrna para hindi ka na nag-abala pa.” sabi ko kay Mommy.

“Anak kita, Maurine. Karapatan kong alagaan ka habang buntis ka. You know how much i love you, Anak.” Hinaplos pa niya ang tiyan ko. “I’m so excited to meet you soon, apo.”

“Thank you so much, Mommy.” Naglalambing akong humilig sa balikat niya habang nakapatong ang isa kong kamay sa tiyan kong may kalakihan na. “Salamat kasi hindi niyo ako pinabayaan ni Daddy.”

“Alam mo namang nagsisisi ang Daddy mo sa ginawa niya kaya gusto niyang makabawi sa’yo but guilt or not, nandito pa rin kami. Hindi ka namin iiwan. Hindi ka namin papabayaan. Kayo ng apo ko. Susuportahan namin kayo hanggang nabubuhay pa kami ng Daddy niyo. Nandiyan din ang mga Kuya mo na alam naman nating laging pumuprotekta sa’yo ‘di ba? Hindi ka rin nila papabayaan, Anak.”

“I know that, Mommy. Kaya nga masaya ako kasi sila ang mga naging kapatid ko kahit bully sila dati.” Sabi ko na ikinatawa ni Mommy.

“Ganoon lang talaga sila pero alam mo namang mahal na mahal ka ng mga ‘yan. Isang tawag mo nga lang sa kanila kahit nasa CR pa sila, sigurado akong pupuntahan ka kaagad nila.” nakangiting aniya na parang iniimagine pa ang itsura naming magkakapatid.

“Yeah, and i love them so much, Mom.” Nakangiti ring sabi ko.

“O siya, magpahinga ka na, Anak. Malalim na ang gabi at hindi ka dapat na nagpupuyat dahil makakasama ‘yan sa anak mo.” aniya ni Mommy. “Inumin mo na ‘yang gatas na tinimpla ko for you.”

Tumango ako saka kinuha ang baso ng gatas at diretsong ininom.

“Akin na ‘yang baso, Anak.”

I gave her the glass. “Thanks, Mom. Goodnight.”

“Goodnight, Sweetheart. Sleep well, okay? I love you.”

“I love you too, Mommy.”

Nginitian ako ni Mommy bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto ko. Mabuti nalang at nakausap ko siya kaya hindi ako masiyadong nangungulila ngayon sa kaibigan kong si Nicholas. Usually kasi tumatawag siya ng ganitong oras to have some chitchat and to say goodnight. Nakakamiss lang talaga ang taong ‘yun. Nalulungkot din ako dahil hindi ko kayang ibalik sa kaniya ang pagmamahal niya sa’kin kaya ang magagawa ko nalang ay ang hilingin kay God na sana mahanap na niya ang babaeng karapatdapat para sa pag-ibig niyang hindi ko masuklian.

*Tok! Tok! Tok!*

Napatingin ako sa Glass door ng kuwarto ko na kumukonekta sa Balkonahe nang marinig ko ang sunud-sunod na tatlong katok. Ever heard about the three knocks at evil hours? Alas diyes palang ng gabi pero may three knocks na?

*Tok! Tok! Tok! Tok!*

Four knocks? Really? Akala siguro ng multong ‘yan kaya niya akong sindakin. Tss.

Bumangon ako at saka binuksan ang ilaw saka tinungo ang Glass door.  Since made of glass ang pintuan, may nakita agad akong pigura ng isang tao sa labas pero sabi ko nga, hindi ako natatakot sa multo.

Matapang kong pinihit pabukas ang doorknob saka hinila pabukas ang pintuan. Tumambad sa’kin ang taong never kong inexpect makita sa Balcony ng kuwarto ko. Si Luther.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon