LUTHER’S POV :
“Luther, ano ba?!” Bulyaw na naman ni Laciana sa’kin. “Hindi mo ba ako sasamahan sa loob?”
Nandito kami sa harap ng hospital. Check-up ngayon ni Laciana kaya ko siya hinatid dito.
“Hindi.” Walang ganang sagot ko.
“Wala ka ba talagang pakialam sa anak— ”
“Puwede bang tumigil ka sa kakaputak at pumasok ka nalang du'n sa loob? sinabi na ngang hindi ako sasama ‘di ba?”
“But i need you there.”
Hindi na ako umimik. Ayaw kong makipagtalo sa kaniya dahil sayang lang ang lakas ko.
“Fine! Kung ayaw mo akong samahan sa loob, sige. Hintayin mo nalang ako dito.” aniya.
“Okay.” simpleng tugon ko.
Hahalikan sana niya ako pero umiwas ako. Kung noon ay gustung gusto kong hinahalikan niya ako, ngayon hindi na. Kung may namimiss man akong halik ngayon, ‘yun ay ang halik ng asawa ko.
Yeah. She's still my wife dahil hindi pa naman kami anulled. Tama siya, kailangan pa naming maghintay ng ilang taon bago tuluyang mapawalang-bisa ang kasal namin. Mas lalo namang ayaw kong gumamit ng connection para lang maisakatuparan ang annulment na ‘yun. Mas gusto ko nga ‘yung ganito, at least, kahit papa’no, may ipanlalaban ako sa dalawang asungot na sina Nicholas at Philip.
Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Laciana. Kasunod nun ang pagbukas ng pintuan, senyales na lumabas na siya ng kotse. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang Laciana na nanggugulo sa’kin.
Lalabas na sana ako ng kotse nang biglang may masagi ang mata kong dalawang pamilyar na tao na papalabas mula sa Hospital.
Nicholas ..
Maurine ..Kitang kita ko kung paano siya alalayan ni Nicholas at kitang kita ko rin kung paano siya ngitian ni Maurine.
Parang tinusok ng isang matulis na bagay ang puso ko sa nakikita ko pero ang pagkuyom lang ng aking palad ang tanging nagawa ko. Gustung gusto kong sugurin si Nicholas.. Suntukin.. Beat him to death. But hell! I can’t. Hindi ko ‘yun kayang gawin dahil ako ang unang nagkasala kaya wala akong karapatan manapak ng taong lumalapit sa asawa ko.
Wait. Ano bang ginagawa nilang dalawa dito sa hospital? May sakit ba si Maurine? Sana hindi. Pero bakit siya inaalalayan ni Nicholas? Kailangan kong malaman. Bahala na.
Lumabas ako ng kotse at tinahak ang direksyon ng dalawa. Gusto kong malaman kung anong ginagawa nilang dalawa dito O kung may sakit man ang asawa ko.
“Maurine.” Tawag ko sa asawa kong kaagad namang lumingon sa direksyon ko pero bago pa man makapagsalita si Maurine ay humarang kaagad si Nicholas.
“What do you want now, Luther?” maangas na tanong ng gago.
Control your emotions, Luther.
“Nothing. Nakita ko lang kasi kayong dalawa na lumabas ng hospital.” Kalmado kong sabi. “May sakit ka ba, Maurine?”
“Wala ka ng pakialam kung may sakit ako O wala, Luther.” Walang ganang tugon ni Maurine.
“I'm still your husband kaya may paki— ”
“Asawa lang kita sa papel, Luther. Pero sa puso ko, isa ka nalang estranghero ngayon.” diretsahang sabi ni Maurine.
“Let’s go, Babe.” aniya ni Nicholas na ipinalibot pa ang kamay nito sa bewang ng asawa ko saka iginiya pasakay sa kotse niya.
Nang makasakay si Maurine ay lumapit pa sa’kin si Nicholas na seryoso ang mukha.
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...