CHAPTER 16

4.6K 161 0
                                    

MAURINE’S POV :

“Are you okay, Mau?” nag-aalalang tanong ni Ate Kylie. Ang asawa ni Kuya Ty. Binisita ko kasi siya dito sa opisina niya.

Hindi kami ganoon ka-close ng hipag ko dahil hindi naman ako nagsasabi sa kaniya ng mga problema ko.

“Mau, you know you can always tell me your problem, right? Asawa ako ng kapatid mo kaya parang kapatid mo na rin ako.” aniya na binitawan pa ang hawak niyang ballpen at saka tumitig sa’kin.

I took a deep breath as i met her gaze. “My husband.” i said.

“What about him? Sinaktan ka ba niya? Mau, magsabi ka sa’kin ng totoo.”

“He told me he loves me, Ate.”

“Then what’s the problem with that? Puwede mo rin naman siyang pag-aralang mahalin, Mau.” aniya ni Ate Kylie.

“That’s the problem, Ate Ky. Mahal ko na rin siya and i can’t bear losing him anymore.” Malungkot na sabi ko.

Napatawad ko na si Luther pero sa tuwing naiisip ko ang nangyari, hindi ko maiwasang masaktan at matakot na baka any moment, iwan niya ako.

“May nangyari ba para sabihin mo ‘yan?” Seryosong tanong ni Ate Kylie.

I nodded. Wala namang masama kung magsabi ako sa kaniya ‘di ba? Kasi ayaw kong magsabi sa mga kapatid ko dahil baka saktan nila si Luther.

“Nakita ko siya.. sa bahay ni Laciana. Ang Ex-Girlfriend niya.”

“What?! Anong ginagawa niya ro’n?”

“Having sex?” Patanong na sagot ko. “Nadatnan ko siya sa kuwarto ni Laciana and they were.. ” Huminga ako ng malalim. “They were both N-naked.”

“The heck, Mau?! May nangyaring gano'n pero hindi ka man lang nagsabi sa pamilya mo? Sa mga Kuya mo? Mau, naman. Alam kong pinuwersa ka ni Daddy Winson para magpakasal kay Luther pero ‘wag ka namang magpaka-martir dahil lang sa kadahilanang mahal mo na ang asawa mo.”

“Pareho na tayong kasal, Ate Ky. Alam kong naiintindihan mo ang pinanggagalingan ko. It's not just about Love, Ate. Hindi na ako katulad dati na walang ibang iniisip kundi ang sarili ko lang. This time, iniisip ko ang kasal namin ni Luther na maaring masira kapag nagpadala ako sa emosyon ko. Binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon not just because i love him kundi para isalba ang kasal namin. Ang relasyon namin na nagsisimula palang mabuo.” I said.

“Well, to tell you frankly, Sobra akong disappointed sa asawa mo ngayon.” aniya. “But i admired you a lot for being a super-wife. Hindi lahat ng asawa, kagaya mong madaling magpatawad at mamigay ng isa pang pagkakataon, Mau. Pero sana, hindi mawala ang respeto at pagmamahal mo sa sarili mo dahil ayaw kong dumating ka sa point na sarili mo rin ang sisisihin mo.” she added. “Mahal kita, Mau. Malaki ang utang na loob namin ng Kuya Ty mo sa’yo dahil madalas ikaw ang nag-aalaga sa mga anak namin kaya huwag mo naman sanang ilihim sa’min ang mga nangyayari sa’yo.. sa inyo ni Luther.”

Tumango ako. “Hindi ko gustong maglihim sa inyong lahat, Ate. Pero kilala mo naman sina Kuya Ty at Kuya Tantan ‘di ba? I'm sure na kapag nagsabi ako sa kanila, Luther will be in danger that instant.” nababahalang sabi ko.

“Naiintindihan kita, Mau. Pero sa susunod na malaman kong niloloko ka ng asawa mo, hindi na ako mananahimik.”

I nodded. “How's the kids, ate?” pag-iiba ko ng usapan.

“Pasaway pa rin.”

I laughed. “Sa inyo lang naman kasi kapag ako ang kasama nila, mabait naman sila.” sabi ko.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon