Nakarating ka sa huling pahina ng aking kuwento Which is the Epilogue, kaya gusto rin po kitang pasalamatan sa pagtitiyaga mong basahin ito. Maraming salamat at sana katulad dito sa MTAB, suportahan mo rin po ang iba ko pang mga akda. シ
👑 👑
-- EPILOGUE --
MAURINE'S POV :
8 years Later ..
"Knight, ano na naman ba 'tong mga nakakalat na chocolates dito sa kuwarto mo?" Tanong ko sa 8-years-old na anak kong si PK.
"Mom, kasi- "
"Hindi ba sabi ko sa'yo bawal kumain ng maraming chocolates kasi masisira ang ngipin mo?" Nakapamewang na tanong ko sa kaniya.
"Opo, Sabi naman ni Daddy okay lang kasi po magtu-toothbrush naman daw po ako ng mabuti."
"Your Dad told you that?"
He nodded. "Yes, Mommy. That's why i ate lots of chocolates."
"PK, sa susunod ayaw ko ng kumain ka ng maraming chocolates ha? Malalagot ka na sa'kin kapag nahuli pa kita."
"But Daddy told me- "
"Malalagot kayong pareho ng Daddy mo sa akin." seryosong sabi ko. "Ngayon gusto kong pulutin mo lahat ng pinagbalatan mo ng chocolates at dalhin mo lahat sa trashcan."
"Opo."
Napangiti ako nang pulutin niya lahat ng kalat niya ultimo kaliit-liitang piraso ng balat ng chocolate na kinain niya at saka niya itinapon lahat sa trashcan niya sa loob ng kaniyang kuwarto.
"There. Tapos na po, Mommy." aniya na pinapagpag pa ang kaniyang damit na akala mo nadumihan.
"Pulutin mo lahat ng marurumi mong damit na nasa kama at sahig at ilagay mo lahat sa laundry basket para malabhan mamaya ni Nanay Dalia." utos ko sa kaniya.
"Can i help Nanay Dalia, Mommy?"
I smiled. "Come here, Baby." Umupo ako sa sahig saka sinapo ang kaniyang cute na pisngi. "I will let you help Nanay Dalia when you grow up, okay? Kasi ngayon, hindi ka pa puwedeng tumulong sa kaniya kasi Baby ka pa rin."
"No, Mom. I'm Big na."
I chuckled. "But not as Big as Daddy."
Humaba ang nguso niya. "But i'm strong like Daddy na."
"Gusto mong tulungan si Nanay Dalia?"
"Yes, Mommy."
"E di huwag kang magkakalat para hindi siya mapagod." Sabi ko.
"Tinapon ko naman po lahat ng kalat ko e."
"I know, Baby. Pero listen to Mommy, okay? Bawal ka munang tumulong kay Nanay Dalia sa paglalaba. Tulungan mo nalang siya kapag magluluto siya ng foods natin. Is that okay?"
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...