CHAPTER 31

4.4K 125 5
                                    

MAURINE’S POV :

“Maurine, Nasa baba ang Daddy ni Luther.” Sabi ni Kuya Tristan na pinuntahan pa ako sa kuwarto ko.

“Pinapasok mo siya?” Kunot-noong tanong ko.

“Si Daddy ang nagpapasok sa kaniya.”

“Ano bang kailangan ni Tito Winson?” Alam kong mag-asawa pa rin kami ni Luther kaya dapat ay Daddy ang itawag ko sa kaniya pero naiilang ako.

“Gusto ka niyang makausap.”

Tumigil ako sa pagtitiklop ng mga damit ko at humarap ako kay Kuya Tantan. “Bakit daw?”

“Bakit hindi mo nalang puntahan para malaman mo kung anong ipinunta niya dito?”

Nagsusungit na naman ang mabait kong kapatid kaya tumayo nalang ako at lumabas ng aking kuwarto. Inalalayan naman ako ni Kuya sa pagbaba ng Hagdan.

Nadatnan nga namin ni Kuya Tristan si Tito Winson na nakaupo sa Sofa at  kaharap si Daddy. Seryosong nag-uusap ang dalawa.

“Dad? Tito?” Pukaw ko sa dalawa.

“Sige. Iiwan ko muna kayong dalawa.” Wika ni Daddy na tumayo agad. “Ikaw na ang bahala sa Tito Winson mo, Hija.” aniya ni Daddy sa'kin. “Tristan, Let's go. Iwan muna natin sila.”

Nang makaalis sina Daddy at Kuya Tristan ay agad akong naupo sa sofa paharap kay Tito Winson na nakasunod lang ang tingin sa bawat kilos ko.

“How are you, Hija?” Tanong niya sa'kin.

“I'm fine, Tito— ”

“Daddy. I want you to call me Daddy, Maurine. Asawa ka ng anak ko kaya dapat mo na rin akong tawaging Daddy.”

Umiling ako. “Tito, alam mo naman po sigurong nag-file na ng annulment si Luther at nakapirma na rin ako sa annulment papers namin. Hinihintay nalang naming— ”

“About that, pinakansela ko na ang proseso ng annulment ninyong mag-asawa.”

“Po? Bakit niyo ginawa ‘yun, Tito? Luther will be— ”

“Happy.” Putol ni Tito sa sinasabi ko. “Matutuwa ang asawa mo kapag nalaman niyang hindi na matutuloy ang annulment ninyo. Hija, why don't you give him a chance? O kahit pakinggan mo lang ang paliwanag niya just like what i did.”

“Bibigyan ko siya ng chance? Papakinggan ko ang paliwanag niya and then what, Tito? Magpapabola na naman ako sa anak niyo? Bibigyan ko na naman siya ng pagkakataong bilugin ang ulo ko? Tito, No. Hindi ko na gustong gawin akong laruan ni Luther. Tapos na ako sa pagiging Laruan, Tito.”

“Hija, believe me. Hindi na gagawa si Luther ng — ”

“Stop defending your son, Tito. Kung hinahabol niya ako ngayon dahil nalaman niyang anak niya ang dinadala ko, sige. Hindi ko ipagdadamot sa kaniya ‘yung bata pero ang hilingin ninyong bigyan ko siya ng pagkakataon? Na babalik pa ako sa kaniya? I'm sorry, Tito. Hindi ko gagawin ang bagay na ‘yun.” seryosong litanya ko.

Nakita ko ang bahagyang paglungkot ng mukha ni Tito Winson pero hindi pa rin mababago nun ang desisyon ko.

“Maurine, Hindi kita pipiliting balikan ang anak ko pero sana, isipin mo ang kapakanan ng anak ninyo. Gusto mo ba siyang lumaki siyang hiwalay ang kaniyang mga magulang? Alam kong matalino ka, Hija. Pag-isipan mong mabuti ang bawat desisyon mo para hindi ka matulad sa asawa mong nagsisi ngayon sa pag-iwan niya sa’yo.” Mahinahong aniya ni Tito Winson.

I nodded. “Pag-iisipan ko, Tito.” Sabi ko.

“Gusto kong sabihin sa'yo kung ano ang tunay na nangyari na nag-udyok kay Luther para iwanan ka at umabot pa sa puntong umapila ng annulment pero hindi ko rin gustong pangunahan ang anak ko. Gusto kong sa kaniya mo mismo marinig ang buong pangyayari para mas maintindihan mo.”

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon