LACIANA’S POV :
“Ito ba talaga ang gusto mong mangyari, Laciana?” Tanong ni Kimberly na bumalik na sa’kin dahil hindi ako matiis.
“Yes, Kim. This is what i wanted.” Sabi ko habang nakatingin kay Luther na nakahiga sa sofa dahil sa labis na kalasingan.
“Mali ang ginagawa mo, Laciana. Nagiging selfish ka na— ”
“Wala akong pakialam, Kim. Gagawin ko ang lahat para makuha ko si Luther. Para bumalik siya— ”
“So are you happy now?” Putol ni Kim sa’kin. “Masaya ka bang nakikita si Luther na nagkakaganiyan? Natutuwa ka ba habang nakikita mo siyang pinapatay ang sarili sa alak?”
“Of course not, Kimberly. You know how much i love him— ”
“No, Laciana. Hindi pagmamahal ang tawag diyan kundi pagiging makasarili.”
“Kaibigan ba talaga kita O— ”
“Kaibigan mo ako, Laciana. Pero hindi ako naging kaibigan sa’yo nu’ng una dahil imbes na itama ko ang mga mali mong ginagawa, kinunsinte ko pa.” aniya ni Kim. “Itigil mo na ‘to, Laciana. Hindi ka naman ganito dati ‘di ba? Alam kong hindi na katulad dati ang pagmamahal mo kay Luther dahil nagawa mo pa nga siyang ipagpalit kay Paul.”
“Mahal ko siya, Kim. Okay? mahal ko si Luther.”
“No, Laciana. Naiinggit ka lang sa kaniya dahil kahit iniwan mo siya, nahanap pa rin niya ang tunay na pagmamahal kay Maurine. Sa asawa niya Samantalang ikaw, failed sa relationship mo kay Paul na ipinalit mo sa kaniya.”
“Shut up, Kim!”
“I’m sorry, Laciana. This time, tunay akong kaibigan sa’yo. Ipapakita at ipapaintindi ko sa’yo ang mga pagkakamali mo and i'm still hoping na sana maliwanagan ka na at pabayaan mo nalang si Luther na maging masaya sa piling ng babaeng totoong makakapagpaligaya sa kaniya.”
No. Hindi ko hahayaang mawala na naman sa’kin si Luther. I need him.
“Hindi na mangyayari ‘yan lalo na ngayong buntis ako, Kim. Dala-dala ko ang anak namin ni Luther at ito rin ang maglalapit kay Luther sa’kin.” Nakangiting sabi ko.
“Gagamitin mo ang bata para maging masaya ka? Are you out of your mind, Laciana? Alam mo bang nagalit ako sa’yo dahil sa sinasabi mong ipapalaglag mo ‘yan kapag iniwan ka ni Luther? Good God! blessing ang bata na ‘yan, Laciana.”
“I know. Kaya nga siya ang gagamitin ko para bumalik ang pagmamahal sa’kin ni Luther e.” Sabi ko.
“Nasisiraan ka na talaga, Laci.”
“No. Madami lang talagang kayang gawin ang mga taong labis na nagmamahal, Kim.” I reasoned out.
“Sana matauhan ka na. Madaming taong nasasaktan ng dahil sa’yo, Laciana. Naisip mo ba kung gaano kasakit ito kay Maurine? kay Luther? Of course not dahil mas iniintindi mo ang sarili mo.”
“Ang batang nasa sinapupunan ko ang iniintindi ko, Kim. Hindi— ”
“Kung iniintindi mo ang anak mo, hindi mo siya gagamiting pam-blackmail kay Luther. Kung iniintindi mo siya, hindi mo siya gagamitin para makapanakit ng ibang tao.” aniya. “Aalis na ako.” Paalam niya saka mabilis na umalis.
Hindi pa man nagtatagal na nakaalis ang kaibigan ko ay mayroon na namang nagba-buzzer.
Fuck! sino na naman bang istorbo 'yan?
Lumabas ako para tingnan pero ganu'n na lamang ang gulat ko nang makita kong nakatayo sa gate si Paul.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko nang makalapit ako sa gate. Hindi ko pa rin iyon binubuksan.
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...