MAURINE’S POV :
“Hello?” inaantok na sagot ko sa taong nasa kabilang linya. Ang sarap ng tulog ko tapos biglang nag-ring ang phone ko.
“Good morning!” Masayang bungad sa’kin ni Levigne. Yeah. Alam kong si Levigne 'to kahit hindi ko nakita ang pangalan niya sa Caller ID.
“Lev? Bakit ka ba nambubulabog?”
I heard her giggles. “Well, I'm sorry. Nakauwi na kami ni Gino ng Pinas at siyempre, kasama namin ang baby boy namin.”
I laughed. “Paano na tayo magiging magbalae niyan e pareho naman palang may talong ang mga anak natin, Lev?”
“Malay mo pagbibigyan tayo ng tadhana sa mga susunod pa nating mga anak, right? Huwag kang mawalan ng pag-asa.”
Muli, humagalpak ako ng tawa. “Hay Nako, Lev.”
She laughed. “Anyway, tumawag nga pala ako para sabihin sa’yong dadalaw kami ng baby boy ko diyan sa inyo bukas.”
“Really?” Na-excite ako bigla dahil sobrang miss na miss ko na din ang kaibigan ko.
“Uh-huh. I miss you na kaya.”
“I miss you too, Lev.”
“O' siya, kitakits nalang bukas. Umiiyak na ang baby ko e.”
Natawa ako. “Sige. Maya-maya magigising na rin ang prinsipe ko.” Sabi ko. “Bye, Lev.”
“Bye.”
Pagkatapos naming mag-usap ay nag-inat ako. Wala na sa tabi ko si Luther kaya baka pumasok na sa kompanya. Tumayo ako at lumapit sa Crib ni PK.
I smiled when i saw him peacefully sleeping in his Crib. Pareho pang nakataas sa ulunan niya ang dalawa niyang kamay.
“Good morning.”
“Good morning. Akala ko pumasok ka na?” Tanong ko sa asawa kong hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya sa’kin.
“Hindi muna ako papasok kasi gusto kong makasama ang mag-ina ko buong maghapon.” aniya na kinindatan pa ako.
“Hon, hindi ka puwedeng hindi pumasok kasi — ”
“Naroon naman si Daddy at nagpaalam na ako sa kaniya kaya sagot niya ako sa araw na 'to.” aniya saka yumakap sa’kin. “Alam mo namang parang ayaw ko ng mapalayo sa inyo ni PK e.”
Tinampal ko siya sa braso. “Ang drama mo. Hindi naman kami aalis.”
He chuckled. “I know, Hon. Halika na nga. Mag-almusal muna tayo.”
“Paano si PK?”
“Mamaya pa naman ‘yan magigising.” aniya. “Halika na. Nagluto na ako ng almusal natin e.”
“Really? Nasaan ba si Manang Dalia?” Tanong ko.
“Maagang namalengke saka hindi naman ako aalis kaya ako nalang ang nagluto.”
“Bakit parang naglalambing ka yata ngayon, Mr. Varcancel? Anong mayro'n?” Tanong ko.
A Sheepish smile formed in his lips. “Can i take you for a dinner date tonight, Hon?” He asked.
“Hmm. Alam mo ba na kapag pumayag ako sa dinner date na ‘yan, ‘yun na ang first time na lalabas tayo ng tayong dalawa lang?”
He nodded. “Hindi naman kasi kita niligawan.” Tatawa-tawa pa niyang sabi.
“Nagmukha pa akong easy to get.” Nakangusong sabi ko. “Nagkaroon ako ng asawa na hindi man lang ako niligawan.”
Nagulat ako nang bigla niya akong pangkuin. “Huwag ka ng magtampo. Parang nagsisisi ka pang nakasal ka sa’kin e.” aniya saka naglakad palabas ng kuwarto buhat-buhat pa rin ako. Tinahak niya ang daan patungo sa kusina. “O baka naman kasi nagsisisi ka na?” Siya naman ngayon ang ngumuso.
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...