CHAPTER 7

5.3K 192 2
                                    

MAURINE'S POV

"Are you ready, Mau? Inimpake mo na ba ang lahat ng gamit mo? Dadating na si Luther any minutes from now." Kuya Tyson said.

"Tapos na." Walang ganang sabi ko.

Susunduin ako ni Luther at iuuwi na sa bahay niya dahil iyon na naman ang utos sa amin ng mga Daddy namin. Nakakainis.

Ayaw kong makasama ang gagong 'yun under one roof dahil baka magkasakitan lang kami or worst, Baka magpatayan pa kami.

Hayop na 'yon. Hindi ko pa rin nakalimutan 'yung paghagis niya sa'kin sa sofa nung kasal namin dahil sa totoo lang, kahit malambot 'yung sofa, nasaktan pa rin ako dahil sa lakas ng impact at dahil hindi ko iyon inasahan. He's a jerk.

"Bakit ganiyan ang mukha niyan, Kuya Ty?" Pumasok ng silid ko ang usyusero kong kuyang si Tristan. "Lalo tuloy pumangit." Hindi lang pala siya usyusero. Mapanlait din.

"Ang tagal daw kasing dumating ng asawa niya."

"Sana nga hindi dumating." Bulong ko pero sadya yatang matalas ang pandinig ng dalawa kong ulupong na mga kapatid.

"Ganiyan lang 'yan sa una. Hindi magkasundo. Mag-aaway. But believe me, kapag nasanay ka ng kasama siya, kapag kumportable na kayong kapiling ang isa't isa, Trust me... Mahuhulog din kayong dalawa sa isa't isa." Nakangiting sabi ni Kuya Tyson.

"That's disgusting, Kuya Ty. Grabe, nakakasuka 'yang mga pinagsasabi mo." Nandidiring sabi ko. "I will never fall in love with that arrogant bastard. Mark my words."

"Nah. huwag kang magsalita ng patapos, Bunso. Baka kainin mo ang lahat ng sinasabi mo ngayon." Sabi ni Kuya Tyson.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, Kuya. Magdi-divorce kami ni Luther dahil paniguradong hindi magwu-work ang marriage na 'to." pagdidiin ko.

"Mau," nilapitan ako ni Kuya Tristan. "Bente Kuwatro ka na at alam mo na ang tama. Isipin mo, madami namang mga fix marriage diyan pero nagiging successful naman ang relationship nila as husband and wife." He said. "So instead of thinking about the divorce thing, why not give him a chance? Bakit hindi mo kilalaning mabuti ang asawa mo? Kilalanin niyo ang isa't isa dahil hindi natin masasabi, baka kayo naman talaga ang para sa isa't isa."

"Alam mo naman kung anong ginawa ng gagong 'yon sa'kin nung kasal namin 'di ba? Kaya hinding hindi ko bibigyan ng chance ang gagong 'yon at mas lalong hindi kami ang para sa isa't isa, Kuya Tantan."

"Well, at least, nasabi ko na sa'yo ang gusto kong sabihin bilang kuya mo. Ikaw pa rin ang magdidesisyon para sa sarili mo. I just hope that it will be all for your own good, Maurine." Seryosong sabi ni Kuya Tristan.

"Pero kapag sinaktan ka ni Luther maging physical man o emotional, huwag na huwag kang mag-atubiling magsumbong sa amin." sabad ni Kuya Tyson habang nakapamulsang nakatingin sa akin. "Hindi namin sasantuhin ang gagong 'yon."

"Aw! Mamimiss ko talaga kayong dalawa." Maluha-luhang sabi ko. Hindi kasi ako sanay na hindi ko sila nakikita at nakakasama ng madalas.

"Puwede mo naman kaming dalawin anytime, Bunso." Sabi ni Kuya Tyson. "At ipapaalaga ko pa rin naman sa'yo ang mga anak ko kahit may asawa ka na tutal wala pa naman kayong anak."

Hindi naman ako aangal pagdating sa pag-aalaga sa dalawa kong pamangkin dahil tuwang tuwa ako sa dalawang 'yun.

"Nasaan nga pala sila, Kuya?" Tanong ko kasi maghapon ko silang hindi nakikita.

"Bumisita sila sa mga magulang ng Ate Kylie mo."

"Ah. Hindi na pala ako makakapagpaalam sa dalawang bulilit," I said.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon