CHAPTER 17

4.4K 156 0
                                    

MAURINE’S POV :

"Maurine?" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Kuya Tristan at ang marahan nitong katok sa pintuan ng kuwarto ko.

Yeah. Pagkatapos ng nangyari kahapon sa pagitan namin ni Luther at ng Shaira na 'yon ay minabuti ko na munang umuwi dito sa bahay namin.

"Maurine? Open the door, bunso." Pakiusap ni Kuya Tristan.

"Maurine, Buksan mo 'to kundi sisirain ko 'to." Boses ng isa kong Kuya. Si Kuya Tyson.

Mugto ang mata ko at ayaw kong makita nila akong ganito ang itsura dahil paniguradong magdududa sila. Ano bang gagawin ko?

"Isa!" Nagsimula ng magbilang si Kuya Tyson.

"Maurine, buksan mo na 'to. Dali na." Kalmadong aniya ni Kuya Tristan.

"Dalaw- "

"Nandiyan na!" Sigaw ko para matigil na sa pagbibilang si Kuya Ty.

Lumapit ako sa pintuan, bumuntong hininga saka dahan-dahang pinihit pabukas. Tumambad sa'kin ang nag-aalalang mukha ng dalawa kong kapatid.

"Pasok." sambit ko.

Napailing si Kuya Tyson at nauna ng pumasok sa loob ng silid ko. Agad namang sumunod si Kuya Tristan.

Humugot ako ng malalim na paghinga saka muling sinara ang pintuan ng kuwarto ko. Humarap ako sa mga kapatid ko na parehong nakatitig sa'kin at may nagtatanong na tingin.

"Geezz! Huwag niyo nga akong tingnan ng ganiyan." saway ko sa kanila.

"Stop acting like there's nothing happen." seryosong wika ni Kuya Tristan. "Dahil alam namin na may nangyayaring hindi maganda sa pagitan ninyong mag-asawa. Now tell us- "

"Kuya, stop. Walang- "

"Maurine." Pigil ni Kuya Tyson sa'kin. "Tumigil ka na, okay? Just tell us what's really happened between you and Luther. Sapat na 'yang mata mo para malaman namin ni Tristan na may problema ka." aniya.

"Kuya Ty, wala naman kasing nangyari. Walang problema-"

"Hindi ka uuwi dito na may dalang malaking maleta at umiiyak kung- "

"Paano niyo nalaman?" Tanong ko kay Kuya Tyson dahil wala naman sila ni Kuya Tristan nang dumating ako dito kahapon.

"Tinanong ko kay Manang Myrna."

Napabuga nalang ako sa sinabi ni Kuya Ty. Hindi ko alam kung paano ako magsisinungaling sa kanilang dalawa ni Kuya Tantan.

"So? Hindi ka ba talaga sa amin magsasalita?" Untag ni Kuya Tristan sa'kin. "Sabihin mo lang para mapuntahan na namin ang asawa mo ngayon at siya nalang ang komprontahin namin ni Kuya Ty." He said.

"Kuya Tristan, ano ba? Tampuhan ng mag-asawa lang 'to, okay? Natural lang naman 'yun sa mag-asawa right, Kuya Ty?" Baling ko kay Kuya Tyson.

"Are you sure?" Pangungulit ni Kuya Tristan.

"Yeah. Huwag niyo akong intindihin. Babalik din ako sa bahay namin kapag nawala ang tampo ko kay Luther." Sabi ko.

"Make sure na simpleng tampuhang mag-asawa lang 'yan, Bunso, dahil kapag nalaman kong may mas malalim pang dahilan ang pag-alsa balutan mo, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa asawa mo." seryosong aniya ni Kuya Tyson na pati ako ay nahintakutan na rin.

Ayaw ko kasing maulit ang ginawa nila sa manliligaw kong si Gerald nu'ng nasa college pa ako na kulang nalang ay lumpuhin nila dahil sa sobrang galit nila sa kaniya.

Yeah, manliligaw ko palang 'yun pero ang tindi na ng galit nila sa kaniya dahil sa reputasyon na rin nito sa mga babae. Simula noon, wala ng nagtangkang ligawan ako hanggang sa makasal na ako kay Luther na tiyak kapag nalaman din nila ang ginagawa ngayon ng asawa ko ay hindi rin nila siya sasantuhin.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon