CHAPTER 28

4.1K 138 0
                                    

MAURINE’S POV

“Kuya, aalis ka na?” Tanong ko kay Kuya Tyson na naka business suit na.

“Yes, Maurine. Why? Do you need anything?”

“Uhm, magpapaalam sana ako. Gusto ko kasing tumambay muna sa park since maaga pa naman.”

“Sige. Magpahatid ka nalang kay Tristan mamaya.” Sabi ni Kuya. “Isama mo nalang sina Tyron at Taneia saka si Yaya para hindi ka nag-iisa.” He added.

“Really? Yes!”

“Alam ko naman kasing inip na inip ka na dito sa bahay. Kung bakit ba naman kasi hindi ka muna magbakasyon.”

“Buntis ako kaya ayaw kong magbakasyon. Baka mamaya kung mapaano pa ako, Kuya.”

Madami akong gustong puntahan pero iniisip kong baka may mangyari sa’kin kapag nagpagod ako. Ayaw kong madamay si Baby.

“Si Nicholas pala, hindi pa yata dumadalaw dito?”

Umiling ako. “Nagkatampuhan kasi kami.”

“Bakit na naman? Daig niyo pa ang magkasintahan ah.”

“Gusto niya akong ligawan pero umayaw ako.”

“What? Responsableng lalaki naman si Nicholas. Bakit ba ayaw mo sa kaniya? Kung ako nga  ang papipiliin between him and that bastard Luther, siya ang pipiliin ko. You deserve a man not a boy.”

“Let’s not just talk about it, Kuya. Kasi kahit na anong sabihin mo, hinding hindi ako magpapaligaw kay Niko. Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Nothing more, Nothing less.”

“It's because you still love Luther. Am i right?”

Napipilan ako sa tanong ni Kuya Tyson. Gusto kong sabihing hindi.. na mali siya.. na hindi ko na mahal ang asawa ko pero alam ko sa kaloob-looban ko na hanggang ngayon.. siya pa rin. That after all the heartaches he caused, It's still him. I still love him.

“Maurine, paalala lang bunso. Sinaktan ka niya. Hindi lang isa, kundi maraming beses. He left you for his child with Laciana. Iniwan kayo ng anak mo— ”

“Because he doesn't know that i'm also pregnant with his child, Kuya Ty. Alam mo iniisip ko nga, kapag sinabi ko ba noon sa kaniya na buntis din ako, may magbabago kaya? Iiwan pa kaya niya ako?”

Bigla akong niyakap ni Kuya Ty saka hinagkan ang noo ko kaya hindi ko na naman napigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Ganito ba talaga ‘pag buntis? Masiyadong nagiging emosyonal? O sadyang dala-dala ko pa rin hanggang ngayon ‘yung bigat ng pag-iwan sa’kin ni Luther?

“Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, Mau. Believe me, kahit sobra akong galit sa asawa mo, mas gugustuhin ko pang isantabi ‘yun kung ang kapalit ay kasiyahan mo. You’re my princess.. The only princess of our family. Lahat ibibigay ko sa’yo just to see you happy. Pero, Mau, alam mong hindi na babalik si Luther sa’yo dahil mas pinili niya sina Laciana over you. He even filed an annulment just to get rid of you. Kaya kalimutan mo na siya, Mau.” Aniya ng kapatid ko na nakayakap pa rin sa’kin.

A Lone tear escaped from my eyes. I just can’t help being too emotional as i heard my brother say all of those painful facts. Wala namang Love na namagitan sa kanila ni Laciana while having sex, right? Kasi puwersahan 'yung ginawa ni Laciana. Pero bakit pinili ni Luther ang sumama kay Laciana? Puwede naman niyang suportahan nalang ‘yung anak nila ‘di ba? Bakit kailangang iwan pa niya ako? Bakit kailangan pa niyang ipawalang bisa ang kasal namin? Hindi ba niya ako mahal? Niloko lang ba ako ni Luther? Si Laciana pa rin ba talaga ang tunay niyang mahal at ginamit lang niya ako?

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon