CHAPTER 34

4.4K 135 0
                                    

LACIANA’S POV :

Galing ako sa bahay ng kaibigan kong si Kim na sa wakas ay nagkabati na rin kami. Unti-unti ng umaayos ang lahat sa buhay ko. Hindi ko lang alam kay Maurine kung kaya pa niya akong patawarin.

Kahapon, nang malaman naming patay na si Luther, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang damayan siya. Damayan siya sa kaniyang pagdadalamhati pero habang ginagawa ko ‘yun, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

Namatay si Luther na parehong sugatan ang kanilang mga puso. Namatay si Luther na hindi sila nagkakaayos. Namatay siyang hindi masaya at namatay na hindi nasulit ang mga panahon na dapat ay silang mag-asawa ang magkasama at dahil ‘yun sa'kin. Ninakaw ko ang kanilang oras dahil selfish ako at alam kong dadalhin ko ang konsensiyang iyon sa tanang buhay ko.

“Anong nangyari?” Tanong ni Philip nang pagdating ko sa bahay ay nadatnan kong kausap niya si Paul. “Bakit kumalat ‘yung balita kahapon na patay na si Luther?”

Bumuntong hininga ako saka naupo sa tabi ng kasintahan kong kaagad namang yumakap sa akin. Clingy masiyado. haha!

“Hindi mo pa ba nakakausap ang kaibigan mong ‘yun?” Tanong ko kay Philip.

“Hindi pa kaya nagbabalak akong puntahan siya.”

“Ayun nga. Magkausap kami ni Maurine sa isang Restaurant kahapon ng hapon and then suddenly, may tumawag sa kaniya through phone at ang sabi sa kaniya ng kausap niya naaksidente si Luther.”

“And then?”

“Sobrang nag-alala si Maurine at ganoon na rin ako kasi alam mo namang kahit hindi maayos ang relasyon ko sa mag-asawa, naging parte pa rin naman ng buhay ko si Luther kaya Sinamahan ko si Maurine sa hospital pero pagdating namin do'n, agad nakausap ni Maurine ‘yung doctor na kakagaling lang sa loob ng OR. Sinabi nito na patay na si Luther at dinala na siya sa Morgue ng hospital.” Kuwento ko.

“What the hell?”

“Awang-awa nga ako kay Maurine kahapon dahil pigil na pigil siya sa kaniyang tunay na emosyon dahil sa baby sa tiyan niya.” Sabi ko na sinasariwa pa sa isipan ko ang pangyayari kahapon. “Mabuti nalang at umuwi si Maurine sa bahay nilang mag-asawa kaya niya nalamang naroon si Luther. Buhay na buhay at hindi patay.”

Humagalpak ng tawa si Philip. “Bless his soul.” natatawang aniya.

“Mabuti nalang at hindi siya namatay kundi kawawa ang mag-ina niya.” Sabi ni Paul.

“Yeah. Kinabahan din ako nang biglang kumalat sa social media ang balitang 'yun. Akala ko iniwan na tayo ng tuluyan ng gagong ‘yun.” aniya ni Philip.

Pagkaalis ni Maurine kahapon ay kaagad akong tumawag sa Mansyon nila Luther at nakausap ko ang kaniyang Mommy. I told her about Luther's death kaya mabilis silang tumungong mag-asawa sa hospital kung nasaan ang bangkay ng anak nila pero pagdating nila roon at makita ang bangkay sa Morgue, hindi sila nagdalawang isip na sabihing hindi si Luther iyon kaya nagtaka ako pero mas nangibabaw ang tuwa ko.

“Sige. Aalis na ako.” Paalam ni Philip. “Tawagan ko nalang mamaya si Luther.” aniya.

“Balitaan mo nalang kami kung anong nangyayari sa mag-asawa.” Sabi ko.

“Yeah, sure.” Tatangu-tangong aniya. “Una na ako, Bro.” paalam niya kay Paul. “Uuwi na din kasi ako mamaya sa bahay namin kaya susulitin ko na ‘yung time ko sa Grandparents ko.”

“Better do that.” Sabi ko. “Kasi ako,” Tumitig ako kay Paul. “Susulitin ko na ang oras na magkasama pa kami ni Paul kasi kung may bagay man akong natutunan sa nangyari kahapon,” I kissed his lips. “Iyon ay ang matutong pahalagahan at mahalin ang mga taong mahal mo habang kasama mo pa sila.”

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon