A/N : Sa nakaraang chapter, nabanggit ko roon na baka magkaroon din ng POV si Sir Philip so heto na po. 😊
--
PHILIP’S POV :“Mabuti naman at naisipan mo kaming bisitahin, Phil? Aba, Hindi ka na madalas dumalaw dito, Apo. Akala nga namin ng Lolo mo ayaw mo na kaming makita.” Wika ng Lola ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila ni Lolo sa Ramson.
“I’m sorry, Lola. Alam niyo namang minsan busy ako pero nag-uusap naman tayo sa telepono ‘di ba?” Sabi kong may bahid paglalambing.
“Hindi pa rin sapat ‘yun, Apo.” wika naman ni Lolo. “Mas gusto namin kung madalas kang dumalaw dito para naman maibsan ang pananabik namin sa mga pinsan mong nasa US.”
Naupo ako sa gitna nilang dalawa at saka ko sila inakbayan.
“Lolo, Lola, Sorry na. Huwag na kayong magtampo sa’kin, okay? Sige na, pangako. Dadalas-dalasan ko na ang pag-uwi ko dito sa inyo para hindi na kayo malungkot.” Sabi ko.
“Mangangako ka na naman tapos hindi mo na naman tutuparin.” May pagtatampong sabi ni Lola. “Mas mahal mo na nga yata ang trabaho mo kaysa sa’min ng Lolo mo e.”
Hinalikan ko sa pisngi niya si Lola. Madali lang namang hulihin ang kiliti ng mga matatanda lalo na sina Lolo at Lola.
“What if I'll stay here for a week, Lola? How’s that?”
Biglang nagliwanag ang mukha ni Lola. “Are you sure, Apo?”
“Of course, Lola. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nalulungkot kayong dalawa e.” Sabi ko na ikinatawa naman ni Lolo.
“Hindi ka naman kaya hahanapin ng Mommy mo, Phil?” Tanong ni Lolo.
“Don't mind her, Lolo. Pagagalitan ako nun kapag nawala ako ng isang Linggo sa kompanya pero maiintindihan naman niya kapag nalaman niyang dito ako sa inyo nagpunta.” Sabi ko.
“O siya, Tumuloy ka na muna sa kuwarto mo. Ipapatawag nalang kita kay Maring kapag nakahanda na ang Lunch.” Wika ni Lola.
“Hindi naman ako pagod, ‘la.” sabi ko saka tumayo. “Paliliguan ko nalang muna si Hitter.” Tukoy ko sa Ducati kong nasa garahe lang ng Grandparents ko na nagagamit ko lang kapag nandito ako.
“O sige, Apo.”
Lumabas ako ng bahay nila Lola saka binuksan ang gate para mas maaliwalas maglinis pero hindi ko pa man gaanong naluluwagan ang pagkabukas ay may pumaradang taxi sa tapat kaya tiningnan ko kung sinong dumating.
Laciana?
Paano siya napadpad dito sa Ramson? May kamag-anak ba siya dito?
What the fuck?
kinubli ko ang sarili ko sa gilid nang makita kong bumukas ang gate ng bahay sa tapat namin at lumabas mula roon si Paul Mendes. Ang actor na ipinalit ni Laciana noon kay Luther.
Agad kong nilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko at kinuhanan ko silang dalawa ng picture lalo na nang magyakapan silang dalawa.
Nang makapasok silang dalawa sa loob ng bahay ni Paul ay kaagad kong sinara ang gate at nag-decide na ipagpaliban nalang ang pagpapaligo ko kay Hitter.
“O, apo. Akala ko ba— ”
“Bukas nalang ho.” Putol ko sa sinasabi ni Lolo. “Ah, 'lo?”
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...