CHAPTER 25

4K 126 5
                                    

LUTHER’S POV :

(3 Months Later)

“Luther, Bilisan mo. Kunin natin ‘yung stroller na ‘yun.” Turo ni Laciana sa kulay pink na Stroller.

“Pink? Laciana, hindi pa natin alam ang gender ng baby natin tapos gusto mo ng bumili ng Stroller na kulay pink? Kung bibili ka, dapat ‘yung pang-unisex.” Sabi ko. “We’ll buy the other one.” sabi ko.

“Black?” Tanong niya.

“Yes, Laciana.”

“No. Gusto ko ‘yung pink.” aniya na pinukol pa ako ng masamang tingin.

Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.

“Fine. Bibilhin nalang natin ‘yung dalawa.” Sabi ko para matahimik na siya.

“Yehey! Thank you, Darling.” aniya na hindi ko na pinansin pa.

Hinila niya ako palapit sa mga strollers pero bago pa man niya makuha ‘yung Kulay pink, may humawak na dito. Isang babae pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito.

“Hey.” Tawag pansin ni Laciana sa babae. “That’s mine.”

Mukhang hindi yata narinig ng babae ang sinabi ni Laciana dahil kinawayan nito ang isang sales assistant.

“Yes, Ma’am?” Tanong nito.

“May stocks pa ba kayo nito, Miss? Same color lang din.”

That voice.

“Wala na, Ma’am. Kung ibang kulay, madami pa pong available pero ‘yang pink, nag-iisa nalang po.” sagot ng sales assistant.

“Okay. I’ll take this one and— ”

“Sabi ko akin ‘yan!” Bulyaw ni Laciana.

Nilingon siya ng buntis at ..

“Maurine?!” Gulat na bulalas namin ni Laciana.

“Yes?”

“B-buntis ka?” Utal na tanong ko habang nakatitig sa tiyan niya.

“Isn't it obvious, Luther? Kitang kita mo naman siguro ang Baby bump ko ‘di ba?”

“Who’s the father?” Tanong ko pero bago pa man makasagot si Maurine, dumating si Nicholas Fuentes.

“Babe? Nakapili ka na?” Tanong niya kay Maurine.

Seeing them like this hurts me so much.

“Is he the Father?” Tanong ni Laciana.

Nginitian ni Maurine si Laciana and i could say it's a genuine one. “Gusto kong sagutin ‘yang tanong mo, Laciana, pero naisip ko, hindi nga pala tayo close.” aniya saka muling hinarap ang sales assistant. “Miss, I’ll take this one.” Turo nito sa gusto din ni Laciana na stroller.

“No! That’s— ”

“Laciana, stop. 'yung itim nalang ang kukunin natin.” Pigil ko kay Laciana na handa na namang makipagbangayan kay Maurine ng dahil lang sa isang Stroller.

“No! I like this one!” Hinablot ni Laciana mula sa kamay ng sales assistant ang stroller na kulay pink.

“Laciana, pati ba naman sa Stroller, makikipag-agawan ka sa’kin?” Halatang may double meaning ang tanong ni Maurine kay Laciana.

“Kinukuha ko lang ang mga dapat para sa akin— ”

“Like Luther?” Ngumisi si Maurine. “My husband?”

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon