CHAPTER 9

5.1K 179 5
                                    

LACIANA'S POV :

Hindi ako papayag na mapunta lang si Luther sa babaeng katulad ni Maurine. Hello? Si Maurine 'yun e. Mukhang dukha. Alam ko namang hindi siya mahal ni Luther dahil hanggang ngayon, ako pa rin ang nasa puso niya at ayaw lang niya iyong aminin dahil nasaktan siya nang iwan ko siya.

Ngayon, gumaganti siya sa'kin gamit si Maurine na asawa daw niya? Sa tingin naman ni Luther mahina ako na basta nalang siya isuko sa Maurine na 'yon? Siyempre lalaban ako kahit patayan pa 'yan.

At dahil lalaban ako, here I am. I'm on my way to his house. Ipapakita ko sa Maurine na 'yun kung sino ang tunay na Reyna sa buhay ni Luther.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay niya. Bumaba at nag-doorbell. Alam kong walang katulong si Luther kaya nasisiguro kong isa sa kanila ni Maurine ang magbubukas pero nagkamali ako ng bumukas ang gate at tumambad sa'kin ang nasa Mid 40's na babae.

"Ano pong kailangan ninyo, Ma'am?" Tanong niya.

"Luther. Nasaan si Luther?"

"Ay, si Sir Luther po? Kakaalis lang po niya, Ma'am. Pumunta na siya sa Corp." aniya ng babae.

"Sino ka ba dito? Utusan ka ba nila?" Taas-kilay kong tanong.

"Ay opo, Ma'am."

"Well, sabihin mo kay Maurine kung nandiyan man siya na nandito ako at gusto ko siyang makausap." Utos ko sa kaniya.

"Ano po bang pangalan mo, Ma'am?"

Estupida. "Laciana."

"Sige. Sandali lang po, Ma'am." Tinalikuran ako ng mutsatsa ni Luther.

So, naisipan na rin pala niyang kumuha ng katulong ngayon samantalang noon, ayaw na ayaw niya dahil hindi naman siya palaging nasa bahay at sa labas rin siya madalas kumakain.

"Hey!" napatingin ako sa gate nang marinig ko ang boses ng kinasusuklaman kong babae. Nakangiti pa itong lumapit sa'kin. Mang-aagaw!

"Hi, Maurine." siyempre, kung kaya niyang makipag-plastikan sa'kin, mas kaya kong gawin. "How are you?"

"I'm fine. Bakit hindi ka pumasok?" Tanong nito.

"Ang sabi kasi ng katulong ni Luther, nasa opisina na siya kaya hindi na ako pumasok." Nakangiting sabi ko.

"Ah, yeah. kakaalis nga lang niya. So, gusto mo raw akong makausap? May dapat ba tayong pag-usapan?"

"Yeah. Do you love my boyfriend?" Diretsahang tanong ko.

"Of course not." maagap niyang tugon.

Tama nga ako. Walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang dalawa ni Luther. Ibig sabihin, mas madali kong mabubuwag ang kasal nila. Sooner or Later, idi-divorce din ni Luther ang babaeng 'to at ako ang pakakasalan niya.

"But he's your friend, right? Ibig sabihin hindi mo siya mahal?"

"I'm sorry. Para kasing may double meaning 'yung tanong mo. Mahal ko siya bilang kaibigan."

"Good. Ayaw ko kasing may kaagaw sa lalaking mahal ko dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko. Siya nga pala, balita ko kasi, may asawa na si Luther. Kilala mo ba ang babaeng 'yun?"

"Hindi."

Impakta! Sinungaling! Hindi mo ako maloloko.

"Oh, I see. Kapag nakilala mo 'yung babae, sabihin mo kaagad sa'kin okay?"

"Sure."

"Good. Thanks, Maurine." Niyakap ko pa siya kuno. "Tutuloy na ako. Pupuntahan ko nalang si Luther sa Corp. Bye."

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon