CHAPTER 18

4.4K 129 0
                                    

MAURINE’S POV :

“Good morning, My Queen.” Bati sa’kin ni Luther nang magmulat ako nang mata. “How’s your sleep?” Nakangiting tanong nito habang nakatingin sa’kin mula sa salamin.

Nagbibihis na ito ng pang-opisina at aaminin kong guwapong-guwapo ako sa kaniya. Ang aliwalas niya kasing tingnan dahil sa suot niya at take note, kakaligo lang niya dahil basa pa ang buhok niya.

“Hindi ka pa ba pagod sa ginawa natin ng halos magdamag, Hon?”

Namula ako sa tanong niya lalo na nang unti-unting umagat ang gilid ng kaniyang labi saka lumapit sa’kin sa higaan.

“Huwag mo akong asarin, Luther.”

“Hindi naman kita inaasar. Nagtatanong nga lang ako.” Painosente pa niyang sabi.

I rolled my eyes at him and that made him chuckled in an instant.

“Umalis ka na nga.” Pagtataboy ko sa kaniya dahil nasisiguro kong magkukulay kamatis na naman ako kapag nagtagal pa siya dito. “Luther?!” Bulyaw ko sa kaniya nang bigla niyang hilain ang kumot na nakabalot pa sa’kin kaya tumambad sa kaniya ang hubad ko pang katawan.

“Parang ayaw kong pumasok ngayon— ”

“Piste ka talagang animal kang hayop ka!” Mura ko sa kaniya saka ko kinuha ang lampshade.  “Aalis ka ba O ibabato ko sa’yo ‘to?” Banta ko.

“Sasaktan mo na naman ang asawa mong pagod na pagod dahil sa pagpapaligaya niya— Heto na! Oo na. Aalis na ako!” Kaagad niyang pinulot ang Attache case niya saka mabilis na lumabas nang silid namin pero sumilip pa ulit. “I love you. Huwag ka ng mainis.” Aniya na sinundan pa ng Flying kiss saka tuluyang sinara ang pintuan.

Natawa nalang ako sa kabaliwan niya. Naayos na ang lahat sa’ming mag-asawa. Pagkatapos ko siyang sunduin sa bahay ng kaibigan niya nu’ng nakaraang araw, nag-usap kaagad kami ng maayos pagdating namin dito sa bahay.

Pinatawad at inintindi ko siya dahil sabi nga niya, alam ko na kung ano ang reputasyon niya sa mga babae bago pa man kami ikasal. Noon palang ay alam ko ng babaero siya pero naniniwala naman akong hindi niya na ulit gagawin ang gawain niya noong binata pa siya.

“Ma’am Maurine?” Boses ni Aling Dalia habang kumakatok sa pintuan.

“Yes, Manang?”

“Ipaghahanda na ba kita ng almusal?” Tanong nito.

“Ako nalang po ang bahalang maghanda ng almusal ko mamaya, Manang. Salamat.” Tugon ko.

“Sige, Ma’am. Aalis muna ako para mamalengke. Babalik din po ako kaagad.” Paalam niya.

“Sige. Mag-ingat ho kayo.” sabi ko. “Paki-lock nalang din ang pintuan pag-alis mo, Manang.” i added.

“Opo.”

Nang marinig ko ang mga yabag ni Manang Dalia palayo sa pintuan ay agad na rin akong bumangon at tinungo ang banyo. Nanlalagkit na ako kaya kailangan ko ng maligo.

PAGKATAPOS kong maligo ay agad akong nagbihis at lumabas ng kuwarto naming mag-asawa. I walk towards the kitchen to prepare my breakfast. Nagprito ako ng Bacon at dalawang Sunny side up egg saka nagtimpla ng kapeng puro.

Kaharap ko na lahat ng pagkain at natatakam na rin ako. Inuna kong tinikman ‘yung bacon, sarap. Sunod ‘yung egg pero bumaliktad ang sikmura ko kaya napatakbo ako sa lababo at du’n ko nilabas ang kinain kong hindi tinanggap ng sikmura ko.

Dammit!

Nagmumog at naghilamos ako nang matapos saka bumalik sa mesa. Hindi ko na ginalaw ang itlog at nagpapak nalang ako ng bacon habang sumisimsim sa kape ko.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon