CHAPTER 8

5.1K 178 4
                                    

MAURINE'S POV

"Ang kapal ng mukha niyang sabihing 'Friend' niya lang ako! Buwiset siya." nanggigigil na kuwento ko kay Lev.

Pagkatapos kong mag-jogging kanina ay tinawagan ko siya at pinapunta sa coffee shop sa labas ng Angel's Village.

"Girl, hayaan mo na. Wala ka namang feelings para sa kaniya 'di ba? Kaya huwag ka ng magalit kay Papa Luther. Chill ka lang para hindi ka pumangit."

"Oo na. Wala akong feelings sa kaniya pero kasal kami. Bakit niya itatangging asawa niya ako?"

"Girlfriend niya 'yung nagtanong kaya natural itatanggi niya. Ano bang gusto mong gawin niya? Na sabihin sa Girlfriend niya na Misis ka niya? Girl naman, Girlfriend niya 'yon kaya itatanggi niyang asawa ka niya para hindi masaktan 'yung isa."

Bakit ba kasi ako nagagalit? Wala naman dapat talaga akong pakialam sa lalaking 'yun 'di ba?

"Nakakainis lang kasi." Kalmadong sabi ko saka sumimsim sa kape kong lumamig na.

"Nakakainis kasi? Be honest nga, Maurine. May nararamdaman ka ba para sa asawa mo?" Kunot noong tanong sa akin ni Lev.

"I-i don't know." utal na sagot ko.

"You don't know? Ang gusto ko lang namang marinig na sagot mo ay OO o HINDI. Pero 'yang sagot mo, Girl, may double meaning 'yan." Nakangising sabi ni Lev. "Hindi ka naman magkakaganiyan kung wala kang- "

"Hindi ko siya gusto, Lev. Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yon. Alam mo kung bakit? Kasi gago siya. Kasi babaero siya at alam kong iiyak lang ako kapag siya ang ginusto ko." I said as a matter of fact.

"Hmm. Pero magkasama kayo sa iisang bubong, Mau. Kasal kayo. Asawa mo siya kaya kahit sinasabi mo ngayon na hindi mo siya gusto O hindi magkakagusto sa kaniya, There's still a chance that you'll fall for him anytime soon."

"Hindi. Hinding hindi mangyayari 'yan."

'Hindi nga ba?'

"Hay nako, Maurine Montellano. Sana hindi mo kainin 'yang mga pinagsasabi mo ngayon pagdating ng panahon." My friend said, sipping her coffee. "So, Laciana is your husband's girlfriend?"

I nodded. "Yep." I said popping the 'p'

"Payag ka roon?" Kunot noong tanong ni Lev.

"Bakit naman hindi? We got married just because of that freaking Arranged marriage made by our Dads, Lev. Kaya kahit anong gawin ni Luther sa buhay niya, Wala akong pakialam. Gawin niya kung anong gusto niya at gagawin ko rin kung anong gusto ko." I said.

"Yeah. whatever, Maurine."

"Hmm. E ikaw? Kamusta naman kayo ni Gino?" Gino is her Boyfriend.

"Alam mo namang wala ng mas sasaya pa kapag nagmamahalan kayo ng partner mo 'di ba? Kaya, I'm happy as well as Gino and we are planning to fly to Thailand anytime soon para i-celebrate ang Third Anniversary namin."

Hays! In love na talaga ang bestfriend ko.

"Wow! Congrats, Bestfriend. Planning to have a baby soon?" I asked.

"Yep. Gusto ng maging Daddy ni Gino so am i. Nakikinita ko na nga ang sarili ko while carrying a baby, singing lullabies to pacify." Her eyes glimmered.

I'm happy for her. Minsan ko na rin pinangarap ang magkaroon ng mga anak. Ang maging ina at asawa. Isa lang ang natupad, Ang asawa. Pero nakakapanlumo na nagkaroon lang ako ng asawa dahil sa kagustuhan ng Daddy ko.

"E ikaw? Wala ka bang planong magkaroon ng Baby?" untag uli sa'kin ni Lev.

I smiled sadly. "Alam mo namang pangarap ko rin ang pinapangarap mo, Lev. 'di ba nga sabay pa tayong nangarap magkaroon ng isang masayang pamilya? ng asawa? ng mga anak? Kaya masaya ako para sa'yo dahil matutupad mo 'yon kasama si Gino." sabi ko.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon