MAURINE’S POV :
“I'm sorry, Ma'am. Dinala na po siya sa morgue kanina.” Wika ng doctor na napagtanungan ko na nanggaling sa Loob ng OR.
“Pardon?”
“Habang inooperahan namin ay bigla siyang nag Flat line. Pasensiya na, Ma'am. Ginawa po namin ang lahat pero hanggang dun nalang po talaga ang buhay — ”
“Nooo!!!” Sigaw ko na hindi ko na naiwasang mapahagulgol. “No No No! You're just lying, Doc. Hindi pa patay ang asawa ko. Hindi pa.” Umiiling-iling na sabi ko.
“Ma'am, I'm so sorry— ”
“Noo!!” Sigaw kong muli. Hindi ko matanggap ang mga sinasabi ng doctor. Mag-uusap pa nga kami bukas tapos sasabihin nilang patay na siya? Na patay na ang asawa ko?
“Maurine ..” Boses ni Laciana.
Binalingan ko siya at niyakap. Wala akong pakialam kung magkaaway pa rin kami. Gusto ko lang naman ng taong maiiyakan ko.
“Sabihin mo sa aking nagsisinungaling lamang siya, Laciana. Please. Tell me. please, Laciana.” humihikbing pakiusap ko. “S-sabihin mong..” i sniffed. “S-sabihin mong b-buhay pa siya. S-sabihin mo sa'kin na .. na buhay pa si L-Luther..”
“Maurine, please. Calm down. Isipin mo ang anak mo, please.” Laciana said while stroking my back.
“H-hindi ko kaya, Laciana. Hindi ko k-kaya.. I ..i need him.” Sabi ko habang sumisinghut-singhot pa rin. “I love him, Laciana. H-hindi ko kayang mawala siya. Kailangan namin siya ng anak namin.” Sabi ko.
“Sshhh ..” she pulled away and cupped my face. “You have to calm down for the sake of your baby, Maurine.” aniya na bakas din ang lungkot sa kaniyang mga mata. “Halika. Maupo ka muna at saka natin puntahan sa morgue si Luther kapag medyo kalmado ka na.” aniya.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko nalang din siya nang hilain niya ako at saka paupuin. Paano na ako ngayon? Paano na ang Baby ko? Paano na kaming mag-ina? Grabe namang parusa sa akin ‘to. Wala naman akong ginagawang masama. Bakit kailangan kong magdusa ng ganito? Bakit?
“Laciana, Bakit?” Wala sa loob na tanong ko sa kasama ko. “Bakit kailangang kami pa ni Luther ang paglaruan ng tadhana? Bakit?” Sunud-sunod na tanong ko habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa aking pisngi.
“I don't know, Maurine and I'm so sorry for your lost.” aniya ni Laciana na napaiyak na rin.
Napailing ako. “Hindi ko kaya, Laciana. Hindi ko kayang wala si Luther sa buhay ko. Hindi ko kaya.” sabi ko saka ako napatingin sa direksyon patungo sa Morgue. “Can we go there now? Puwede na ba nating puntahan ang asawa ko?”
She nodded. Pareho kaming buntis pero siya pa rin ang umalalay sa'kin. “Halika na. Sasamahan kita. I want to see him also.” sabi ni Laciana na ikinatango ko nalang.
Pagdating namin sa Morgue ay may nadatnan kaming isang Lalaki. Iisa lang din ang bangkay na naroon at natitiyak kong si Luther na ito.
“Ma'am?” lumapit sa amin ang Lalaki. “Kayo ho ba ang asawa ng biktima?” Tanong niya sa akin.
“Yeah. Siya ang asawa ng namatay. Puwede na ba naming tingnan?” Si Laciana na ang sumagot.
“Ma'am, Pareho po kayong buntis kaya ang akin lamang po ay huwag niyo nang tingnan ang itsura ng bangkay dahil baka makasama lang sa inyong dalawa.”
“Ganoon ba kalala ang sinapit niya para sabihin mong huwag na naming tingnan pa?” Tanong ni Laciana.
Tumango ang Lalaki. “Opo, Ma'am.”
BINABASA MO ANG
Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️
RomanceLuther Varcancel is the sole heir of Varcancel Enterprises Holdings Inc., he is handsome, arrogant, and a fucking womanizer. A cold and ruthless businessman. People are afraid of him in the business world and even hailed him as the "Most Powerful Bu...