CHAPTER 33

4.6K 142 3
                                    

LUTHER’S POV :

“Hon?” Tawag sa'kin ng masungit kong asawa.

“Yes, Hon?”

“Kailangan ko munang umuwi sa bahay.” aniya.

“Bakit pa? Uuwi ka tapos hindi mo na ako babalikan.”

Inalis niya ang unan sa Lap ko at siya ang naupo dito. Medyo may kabigatan na siya dahil malaki na ang tiyan niya pero gustung gusto ko ‘pag nasa kandungan ko siya.

Ipinalibot naman niya ang kamay niya sa leeg ko. “Uuwi ako pero babalik din naman agad. Kailangan ko lang umuwi dun kasi hindi nila alam na nandito ako baka mamaya hinahanap na pala nila ako.”

“Ihahatid nalang kita para makausap ko din ang Family mo.”  Sabi ko na ipinalibot na rin ang isa kong kamay sa likod niya.

“Hindi ka natatakot?”

Kumunot ang noo ko. “Bakit naman ako matatakot?”

“E baka kasi— ”

“Bugbugin na naman nila ako?” She nodded. “Okay lang na bugbugin ako ng mga kapatid mo kasi tatanggapin ko lahat ng ‘yun basta maging akin na ulit ang prinsesa nila na reyna naman ng buhay ko.” Nakangiting sabi ko.

She giggled. “Hindi ko na pala sila kailangang awatin kung sakali.” Sabi niya.

“Why is that?”

“Kasi sabi mo tatanggapin mo lahat.”

I chuckled. Hinaplos ko ang tiyan niyang ngayon ko lang nahahawakan at napagmamasdan. Kung hindi ko nalaman na hindi ko anak ang dinadala ni Laciana, malamang sobra sobra ang pagsisisi ko sa huli dahil iniwan ko ang totoong pamilya ko. Ang tunay kong anak. Ang anghel namin ni Maurine.

“Natahimik ka?” pukaw sa'kin ni Maurine. “May problema na naman ba, Luther?”

Umiling ako. “Iniisip ko lang kasi kung gaano sana kalaki ang mawawala sa buhay ko kung hindi ko nalaman ang totoo.” Maluha-luhang sabi ko. “Sana sinabi mo sa akin bago ako umalis noon na buntis ka, Hon.” sabi ko.

“Alam mo bang plano kong ipaalam sa’yo na buntis ako nang gabi sana nang araw ding ‘yun kung kailan mo ako iniwan?” Matamlay niyang sabi. “Nu'ng oras na ginusto mo ng makipaghiwalay sa'kin gustung gusto kong sabihin sa’yo na buntis ako baka sakaling magbago pa ang isip mo.”

“Bakit hindi mo ginawa?” Tanong ko habang hinahaplos ang pisngi niya.

“Naisip ko kasi na kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan.” Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. “Na kung mahal mo talaga ako, mananatili ka sa tabi ko kahit walang dahilan. Hindi ko sinabing buntis ako dahil ayaw kong manatili ka dahil lang sa anak natin. Gusto kong kung mananatili ka,  dapat ‘yun ay bukal sa loob mo at hindi ‘yung mananatili ka lang dahil may pumipigil sa’yong ‘wag umalis.”

“I’m so sorry, Hon.” Sabi ko. “Hindi ko gustong saktan ka pero hindi ko rin kasi alam kung paano magpaalam sa’yo nu'ng oras na ‘yun nang hindi ka nasasaktan. Laciana used her baby to blackmail me. Hon, hindi ko naman nanaisin na may batang magsasakripisyo dahil naging madamot ako. Pero patawarin mo ako dahil sa pagiging maawain ko sa bata, Ikaw ang nasaktan ko. Kayo ng anak natin.”

She nodded. “I do understand now why you did that. Kahit naman siguro ako ang nasa posisyon mo noon, kahit masakit at mabigat sa loob ko, pipiliin ko pa rin ‘yung bata.”

“I'm so lucky to have you, Maurine.” Sabi ko. “Mahal na mahal na mahal kita at sana huwag mong pagdudahan ‘yan dahil lang sa pagkakamali kong ‘yun.” malambing kong sabi.

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon