CHAPTER 12

4.9K 169 12
                                    

LACIANA’S POV :

Tapos na ako sa pananahimik ko at oras na para sa revenge ko. I thought masisira ko na ang kasal nina Luther at Maurine pero nagkamali ako dahil mas lalo pang tumibay ang kanilang relasyon.

Yeah. Luther's marriage with Maurine is now all over the news. On National Televisions, Newspapers and even Magazines. Sila ang Top trending topic ngayon sa lahat ng social media sites, Lalo na sa business world.

Luther said he is happily married now with the only Princess of the Montellanos. Nasaktan ako. I admit that dahil minsan ko ring pinangarap ang maging Mrs. Varcancel pero ngayon, may iba ng tumupad sa pangarap kong ‘yon. Tinupad ng isang babaeng inakala kong isang dukha.

Pero ayaw ko na. Ayaw ko ng manahimik at panoorin ang dalawa na nagsasaya habang ako nagdurusa ng dahil sa pagkakamali ko na maari naman sanang kalimutan nalang ni Luther at bigyan nalang ako ng isa pang pagkakataon pero hindi niya ‘yun ginawa. Ipinagkait niya sa'kin ang isa pang pagkakataon.

“What's your plan now, Laci?” Tanong ng kaibigan kong si Kimberly. Kasama ko siya ngayon dito sa bahay ko. “Don't tell me na hahayaan mo nalang si Luther sa Maurine na ‘yon?”

I let out a sarcastic laugh. Minsan talaga nagiging bobita din ang kaibigan kong ‘to.

“Hahayaan si Luther sa babaeng ‘yon? Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa naman ako tanga para gawin ‘yun, Kim.” Nakangising sabi ko. “Sisirain ko ang relasyon nila hanggang makita kong nasasaktan na si Luther. I will make their lives miserable as mine. Hindi ko hahayaang magsaya sila habang ako, lugmok na lugmok.” i added.

“That's my friend. Huwag kang magpapatalo sa Montellano na ‘yun.” Kim said. “At kung kailangan mo ng backup, nandito lang ako. Always remember that, Laci.” Kim added.

“Yeah. I'll be needing your help on this, Kim. Kailangan ko ang tulong mo para ipatupad ang plano ko at this time, sinisiguro kong magtatagumpay  na ako.” I said with a triumphant smile. Nakikinita ko na kasi ang magiging mukha ng mga taong magiging sawi.

“I like that.” Nakangiting wika ni Kimberly. “So, Kailan natin sisimulan?”

“Today.” i said and stood up. Pinulot ko ang cellphone ko at ang susi ng kotse ko.

“Saan ka pupunta?” Kunot-noong Tanong ni Kim.

“Sa bahay ni Luther.”

“What? susugod ka ro'n ng wala kang kasama?”

“Yeah. Ipapakita ko sa babaeng ‘yun ang tunay na Laciana. Ipapakita ko sa kaniya kung sino ang babaeng inagawan niya ng boyfri— ”

“Let me remind you, Laciana.” Putol ni Kimberly sa’kin. “Hindi. Inagaw. Ni. Maurine. Si. Luther. Sa'yo.” May diing aniya. “Ikaw ang bumitaw kay Luther dahil ipinagpalit mo siya kay Paul. Remember?”

I rolled my eyes at her. “Alam ko. Pero kung hindi umeksena si Maurine sa buhay ni Luther, malamang pinatawad pa niya ako. Malamang binigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon at malamang, naayos pa namin ang relasyon namin.” iritadong sabi ko. “Kaya kung may dapat mang sisihin sa tuluyang paglayo ni Luther sa'kin, ‘yun ay walang iba kundi si Maurine Montellano. Ang babaeng umahas kay Luther.” i added.

“At anong balak mong gawin ngayon? Susugod ka ro'n? Para saan, La— ”

“Para bigyan ng sample si Maurine.” i cut her off. “Para ipakita sa kaniya na hindi ako magpapatalo sa katulad niya lang. Para isampal sa kaniya ang katotohanan na ako at ako lang ang tanging nag-iisang reyna sa buhay ni Luther at kung hindi na talaga mapupunta sa akin si Luther?” I smirked. “Tinitiyak kong gagawin ko ang lahat para magdusa silang dalawa. Hindi ako magiging si Laciana kung isa lang akong mahina, Kim. Hindi ako magpapatalo kay Maurine O kahit kay Luther pa.”

Marrying The Arrogant Bastard [MTAB] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon