Panimula

3.8K 71 14
                                    

"19th century. What comes in your mind when you hear the '19th century'? As you guys know this is the time where the Katipunan was constructed by one of our heroes, Andres Bonifacio..." our teacher, Ms. Mariel stated. She's really good at this. She makes the lessons understandable, para lang siyang nagkukwento. Mabilis siyang mag discuss pero talagang maiintindihan mo kasi sobrang linaw. I adore her, isa siya sa dahilan kung bakit hindi ko hate ang history. Mas lalo ko pa nga itong naging favorite dahil sakanya.

Nag time na kaya dinismiss niya na kami, nag-YES naman silang lahat kasi sem break na. 2 weeks of  vacation, sana kasing saya ko rin sila. Bakit nga ba di ako masaya? Kasi ako lang naman to, si Marinella Aurelia Abelardo, 20 years old na walang saya at kulay ang buhay. Palaging malungkot at mag-isa. Wow sadgirl HAHAHAHA. It got worse when my dad died, siya lang kasi ang kakampi ko, minsan. Well, nung buhay pa siya malungkot rin naman ako pero mas lalo lang nung nawala na siya. Sa kanya ko lang kasi nahahanap ang atensiyon at pagmamahal na gusto ko, na kailangan ko. But then, he's gone, now I'm more miserable.

I have my mom and my younger brother with me, but then mom? Nah, she would never give me the love and attention that dad could give. She would never even look at me in a way how a mother looks at her daughter. Kung makatrato nga siya sakin kulang nalang isipin kong di niya ako anak at anak ako sa labas o kaya naman ay ampon ako. Kinda exaggerated, but it's real. At least it's how I feel. Lagi nalang niya kaming sinisigawan, she curses a lot, says things that makes me wanna cut my ear off and be deaf. I'm not even kidding. I hate my life, I am very unhappy. It's like I'm worth nothing to her. My own mother.

Friends? I do have some, pero kaibigan lang naman nila ako kasi may napapala sila saakin. Not to be boastful but I am one of the smartest in my class and in my school, kinakaibigan lang nila ako dahil dito sa tinataglay kong utak na maraming kaalaman. Pero halata namang ayaw nila saakin, halata namang namamlastik lang sila. So ayon, heto ako basang basa sa ulan!!!! Charot lang. Kahit na alam ko ang motibo ng mga "kaibigan" ko eto parin ako, sinasakyan ko nalang sila kung saan sila masaya. Hays napaka tunog sad gurl ko naman ayoko na nga.

My life is kind of a teleserye or whatever you want to call it. But well, we can't do anything about it, kaya just keep going. After all, we only live once. Even if you didn't get the best life, make the best out of it.

"Hi ma'am!" Bati saakin nung favorite kong janitor, lagi kasing kami lang netong ni kuya ang magkasama kapag umaga, maaga kasi ako pumapasok lagi. Ako pa nga pinagbubukas niya ng ilaw.

"Nako kuya! Sabi ko naman po sayo Lia nalang!" Nakangiti kong sabi. Inayos ko ang pagkasukbit ng backpack ko at inipit ang ilang strands ng buhok ko sa tenga.

Natawa siya ng bahagya at tinigil ang pag momop. "O siya sige, Lia. I enjoy mo ang bakasyon." nakangiti niya ring sabi, nagpasalamat naman ako.
If only I could...

"Hoy, ikaw magbihis kana, may importante tayong pupuntahan sa San Pablo." sabi ni mom with her poker face. Ano pa nga, eh ganyan naman na siya lagi. Kinda used to it. San Pablo is our province, where my ancestors lived. Our ancestors pala, pero sa mga kuwento kasi sa akin ng mga kamag-anak namin mababait sila, pati rin yung mga nagkukwento sa akin mabait naman. Ano kaya nangyari kay mama?

Humalik ako sa kapatid ko, pagkatapos ay nagbihis na nga katulad ng sabi. Di naman ako ganon ka tagal pero galit na galit si mom kaya isang libong curse words ata yung natanggap ko. Napabuntong hininga nalang ako, at nasabi sa sarili kong intindihin nalang.

Kahit pa noong hindi patay si daddy ay ganyan na siya kaya hindi ko rin alam kung ano ang dahilan. Iintindihin ko nalang, ganon naman talaga eh, ako ang laging iintindi. Wala tayong magagawa eh.

Siguro naisip niyo, suicide, yan lang ang magpapatapos sa kalungkutan at problema ko. Well, naisip ko rin yan ano! Pero isang malaking kasalanan kasi yan sa harap ni God kaya hinding hindi ko magagawa yan gaanuman kalaki ang problema. Okay, so dramatic Lia!

Nang makasakay na kami ng taxi ay ipinikit ko na ang mga mata ko, tinanggal ang mga nasa isip ko at natulog.

———————————————————

Paalala:
Lahat po ng nakasulat dito ay base lang sa aking imahinasyon, kung nagkataon na may kapangalang lugar, tao, o hayop, ito ay nagkataon lamang. Please do not copy anything here without my permission, baka magulat nalang ako na isang scene dito nasa story mo na ah! PLAGIARISM IS A CRIMEEEEEE!

Nasulat ko itong kwentong ito dahil sa aking mga inspirasyon, syempre unang una si crush, charot! Actually maraming authors ang naging inspiration ko, hindi ko na imemention lahat dahil isa lang ang gusto kong imention. Author shattereign ! Paki follow po siya at paki basa ng mga story niya! Super ganda, di kayo magsisisi. My favorite is her story na La Bella Dama, yon talaga ang pinakamagandang nabasa kong his-fic, it inspired me to write this. Thank you po author Lath sa pagrereply at pag-accept saakin. More books to come! All the love<3

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon