I heard him chuckled that's why I came back to reality "Biro lang, Binibini. Mag-iingat ka at baka mahulog ka dito sa ilog, malamig pa man din ang tubig." Sabi niya, nakarating narin kami sa wakas sa tapat ng ilog at rinig na rinig mo na talaga ang pagragasa ng tubig. Ngumiti muna siya at lumingon saakin bago umapak sa unang bato, mga 10 lang naman yung bato. Pagkatapak niya dito ay aalalayan niya sana akong umapak din dito pero agad akong napalunok at napaatras, dahilan ng pagkawala ng mga kamay namin. Why am I scared of crossing a river? It has stepping stones to help us cross but why am I a scaredy-cat?
"Magtiwala ka saakin, Binibini. Humawak ka lang saaking kamay, at hinding hindi kita bibitawan." Sabi niya, pano nga kung ganon? Kung pagkahawak ko sa kamay niya.. hindi na ko makabitaw? Wala sa sariling iniabot ko ulit ang kamay ko sakanya. At dahan dahan niya na akong iniapak sa unang bato habang umaatras siya para umapak sa pangalawa. Nakakatakot yung bato kasi hindi siya ganon kalaki, one wrong move and mahuhulog kana sa water. Pero yung mga ngiti niya at pag-alalay niya, nagpapapanatag sa loob ko. Ayy joke lang pala hehehehe.
Hanggang sa pang-apat ay paharap niya akong tinulungan, nahihirapan tuloy ako sa sitwasyon niya, paharap niya akong inaalalayan habang patalikod yung lakad niya. Napaka duwag mo kasi, Lia. Hanggang sa muntik na mag slip yung paa niya sa bato.
"Ikaw naman yung hindi nag-iingat eh! Tingnan mo muntik kana rin mahulog! Tumingin ka na nga kasi sa dadaanan mo!" Napasigaw kong sabi, ayy sinabi ko yon? Lah? Ano nakain ko at nasabi ko yon?
He chuckled, he keeps on smiling and laughing today, it made him more handsome. "Patawad na po, Binibini. Sabi ko nga titingin na sa dadaanan eh." He smiled and stepped his foot next to the other rock. Muntik na akong matawa kasi muntik nanaman siya madulas. Pinigilan ko na, siya naman etong napakamot sa ulo.
"Ah eh, mag-iingat ka dito, Binibini. Madulas din ang isang to." Sabi niya na natatawa na sa sarili niya, humagikgik naman ako. Saktong mag-iistep ako ng lumingon siya, pero katulad niya ay muntik na... ahhhhh! Mahuhulog ako sa tubig!! Parang nag slow motion ang lahat dahil hinila niya bigla ang wrist ko at sinalo ako sa bewang, his left hand is holding my right wrist. While his left arm embraced my waist. Naiimagine niyo ba? Parang nasa k-drama lang mga besh!
"Ayos ka lang ba, Binibini?" Tanong niya, bakas ang pag-aalala sa mukha niya. I've never been this close to him. He has thick eyebrows, not as thick as Gabriel's but it fits him. He has this round big eyes, they were black, parang tarsier lang noh? HAHAHAHAHA. Jokeee. Sharp nose, Gabriel's was sharper. And he has this red lips, but not as red as Gabriel's. He doesn't have the long eyelashes, they were just right, unlike Gabriel's... wait nga, bakit ba kinocompare ko siya kay Gabriel? Tsk. Nababaliw ka na talaga Lia, siguro na shock ka lang talaga kaya naiisip mo ang lahat ng to. Oo tama, yon nga.
"A-ah oo, oo." Sabi ko ng may marinig na tunog sa bush na malapit saamin.
"Mabuti naman kung ganon." Sabi niya ng nakangiti, inalalayan niya akong makatayo, lumingon ako sa bush na pinanggalingan ng ingay. Hala baka may bush monster!! Ayy may ganon ba? Wala ata hehehe.
Tuluyan na kaming nakatawid ng ilog, wala namang nahulog sa tubig at mabuti yon. Maya maya pa ay nakarating na kami sa pintong tinutukoy niya. Lumingon muna siya saakin at ngumiti, pagkatapos ay binuksan ang pinto. Medyo madamo ang lugar na bumungad saamin, matataas ito. Pero matatanaw mo rin ang iba't ibang puno sa di kalayuan. Sabay naming hinawi ang matataas na damo at sabay ding naglakad, ng... magkahawak parin ang mga kamay. Unti-unti ay natatanaw ko na ang.... hacienda namin!! Nakikita ko na ang mga palayan, maliliit bahay ng mga hayop, mga puno, mga bulaklak, at ang mansion!
"Oh diba? Sabi ko sayo Señorita eh." Sabi niya, napatingin naman ako sakanya. Señorita? Eh diba Binibini ang tawag niya sakin?
"Señorita? Ano nang nangyari sa Binibini?" Sabi ko ng nagtataka, I actually liked being called Binibini. Nababasa ko kasi yon sa mga his fic kasi nga mahilig ako don, napapanood, at hinihiling din na mangyari saakin pero grabe naman, as in nangyari talaga!! Nag time travel talaga ako at may misyon misyon!
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...