So as you know di naman talaga ako nahihilo, hahanapin ko lang talaga si Gabriel... ah este ano.. gumawa lang syempre ako ng paraan para maka score si bff sa crush niya. Sa totoo lang bagay na bagay talaga sila, lalo na yung height nila ang cute. Katarina is this short girl while Mateo is the tall one, opposite attracts sabi nga nila. Ang cute cute kaya nila!
So palakad lakad ako dito sa pamamahay namin na mukhang supervisor, ang daming ngumingiti saakin at bumabati. Ganon din naman ako, may ilan pa ngang nagsasabing ang laki laki mo na! Grabe naman, payat ba talaga dati si Marinella at napansin nilang tumaba ito nung ako yung pumalit sakanya? Jokeeeeee hehehehe.
Agad ko namang nakita si kuya kaya nilapitan ko siya.
"Kuya!" Sabi ko, may kausap siyang babae eh.
"Ella, ayan ka na pala. Si Katarina nasaan?" Nagpaalam na siya don sa kausap niya kanina at bumaling na saakin.
"Nandon po kuya, iniwan ko don sa bago niyang ka-ibigan ayy este kaibigan hehe." Pagkasabi ko non ay tumingin ulit ako sa paligid, bakit ba hindi ko na mahanap si Gabriel? Imagination ko lang ba talaga yung kanina?
"Ah ganon ba? Kung ganon ay—" natigil sa pagsasalita si kuya ng binati siya ng mga lalaki. Gwapo ah!
"Eto nga pala si Marinella, naaalala niyo pa ba siya?" Tanong ni kuya dun sa dalawang lalaki, hindi malayo ang itsura nila sa isa't isa. Siguro kambal sila.
"Oo naman ano! Magandang gabi sayo, Marinella." Bati nung isang lalaki.
"Eh kami ba naaalala mo pa?" Tanong nung isa pa.
"Nako ayon na nga kaibigan! Nawala ang kanyang alaala at—" hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni kuya ng matanaw ko si Gabriel, parang nag slow mo ang lahat, ang gwapo gwapo niya ngayon. Ayy wait, gwapo naman talaga siya kanina pero mas gwapo ngayon kasi naka formal hehehe. Naka barong din siya tulad ng ibang lalaki dito. So di nga ako namamalikmata at nakita ko nga siya... Nakangiti siya habang papalakad sa... DIREKSIYON NAMIN? Omg, ng magkasalubong ang tingin namin ay mas lumaki nanaman ang ngiti niya. Naaalala niya kaya ako? Pero, mata lang ang nakikita niya sa mukha ko kanina kasi nakatakip ako ng abaniko.
"Gabriel! Nariyan ka na pala!" Bati ni kuya sakanya pagkatapos ay inakbayan niya ito. Omg friends sila ni kuys.
"Magandang gabi sa iyo, Señorita Marinella." Nagulat ako ng binati niya ako. Malaki ang ngiti niya, napangiti din tuloy ako. magkakilala kaya sila ni Marinella of 19th century bago pa ako dumating?
"M-magandang gabi din, Señorito Gabriel." Sabi ko, nakakahiya naman kung di ako bumati diba?
"Ella, hindi ba't nawala ang alaala mo? Paanong kilala mo si Gabriel?" Tanong ni kuya, pati na rin yung twins na gwapo kanina eh nagtataka na rin.
"N-nawala ang alaala ni Marinella?" Tanong ni Gabriel na parang nanlulumo. Tinanguan naman siya nung isa sa twins.
"Ah eh.. kasi kuya kanina po sa may bangin nagkakilala kami." Sabi ko.
"Ikaw yung Binibini sa may bangin kanina? Ikaw si Lia?" Tanong ni Gabriel, parang di na siya yung ngiting ngiti kanina. Biglang nagbago ang aura niya at naging sad siya.
"Lia? Saan mo naman nakuha ang pangalang iyan, bunso?" Tanong naman ni kuya. Napatingin ako sa ibang side, nandoon ang twins, at katabi naman ni kuya si Gabriel. Omg napapaligiran pala ako ng mga gwapy paps.
"Ah.. tawag po kasi yon saakin sa Maynila. Pinaikli lang ang Aurelia, kinuha ang tatlong huling letra kaya naging Lia" Sabi ko, napatango naman si kuya.

BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Fiction HistoriqueSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...