Kabanata 21

359 17 0
                                        

I yawned. Ang tagal naman ng pagkain, nandito kami ngayon sa isang panciteria sa plaza. Nakapaglibot libot at shopping na kami ng kaonti kanina, hindi rin masyado matagal yon dahil sa dami ng taong nakapaligid saamin. Shocks! Parang kaming mga artista gois! I kennat! Sabi ko na nga ba I was born to be in showbiz eh. Ay char HAHAHA.

Pero seryoso nga, maraming bumabati saamin, tas ngumingiti sila, tas pinag uusapan kami habang nakangiti, as in puro mabubuting bagay yung comments nila. Meron pa ngang mga lalaking itinataas taas yung kilay sakin habang nakasmirk, yuck! Kakasuka mga besh! Kala mo gagwapo! Joke, syempre naman kasi alam niyo naman na kay Gabriel lang ako— ay este kay Diego— ayy wala basta! Tapos meron pang nagtitilian at kinikilig habang nakatingin kay kuya. Tapos pag nginitian naman sila ni kuya, akala mo may epelepsi! Eh wala pala silang pinagkaiba sa panahon ko eh, pare pareho lang na abnormal HAHA. Pero infernes ah di sila ganon ka lala, kasi mas malala ako! HAHAHA. Oy di lang ako noh! Pati yung mga babae sa panahon ko! Sa present! Nako mag-aala dalagang pilipina pa yon na pahawi hawi ng buhok tapos mamamalo! Tapos yung malupit, mag- eenebe language.

Pero pinakafavorite ko talaga yung mga comments nila eh

"Napaka ganda talaga ng unica hija ng mga Abelardo."

"Isang napakagandang Binibini, mukha siyang isang anghel."

"Napaka amo ng kaniyang mukha, sa kaniyang ganda ay siguradong ang mga lalaki'y mag-aagawan"

"Hindi kataka taka na siya ang pinakamagandang dalaga sa ating bayan."

"Oo nga, kadapat dapat sakanya ang parangal na iyon."

First of all, thank you po HAHAHA. Pero pangalawa, di po ako anghel eh, sorry. Dimunyu po ako HAHAHA. Charot. Pero seryoso, nakakataas ng confidence yung mga comments ng tao sakin. Madami pa siya eh, too many to mention. Char, baka sabihin niyo mayabang ako hshs.

Finally, dumating na ang pagkain. Ang sarap talaga! Mabilis akong natapos kasi binilisan kong kumain, ang sarap eh! Haha.

Nakangiti si Ina habang nakatingin saakin, kung kaya't napatigil ako sa pagnguya. "B-bakit po?" Tanong ko, may dumi ba sa mala-anghel kong mukha? Charot, baka sabihin niyo lumalaki ulo ko ah! Nag jojoke lang ako jusko.

"Masaya ako at marami ka ng kinakain ngayon, anak. Dati kasi ay, para kang pusa kung kumain." Sabi ni Ina at natawa, natawa rin si Ama. Napangiti naman si kuya.

"Oo nga, anak." Sabi ni Ama, napangiti ako. Nakakahiya naman, mahina pala kumain si Marinella of 19th century. Tapos ako sinisira ko image niya HAHAHA. Sorry, Marinella of 19th century hihi, masarap ih.

"Ngunit anak, hindi ibig sabihin non na masama ang iyong ginagawa ha. Mabuti nga iyan, para naman magkalaman ka anak." Sabi ni Ama. My ghad, Ama. Mapayat ba ako sa lagay na to?! Eh ang taba taba ko nga! Ghad cassie.

"A-ah opo, Ama." Sagot ko ng nakangiti.

"Mariano, babantayan mo itong kapatid mo ha? Kailangan eh ganiyan parin karami ang kaniyang kakainin kahit wala kami." Sabi ni Ama.

"Oo nga, anak. At saka siguraduhin mong kakain sa tamang oras ha? Hindi lang siya kundi kayong dalawa, huwag papalipas." Bilin pa ni Ina. Nginitian lang sila ni kuya ng kaonti, pilit?

"Opo, makaaasa kayo." Sabi ni kuya.

Mabilis din naman kaming natapos kumain, at nang paalis na kami ay...

"Marinella! Ina, Ama! Kuya!" Rinig ko sa boses ni Katarina, nakita kong papalapit siya rito kasama ang kuya niyang naka poker face. Sungit talaga, pero gwapo parin eh HAHAHA. Pero ng makalapit na ay ngumiti rin ito.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon