Kabanata 32

349 20 46
                                    

"Where do you wanna go?" Pangangalaban ko sa pag-eenglish niya. Taas noo pa ko mga sis. Confidence is key duh!! Charness di tayo confident HAHAHAHA. Sa talino ba naman neto, nakakabisado ang tono ng kanta at natutugtog kahit nakikinig lang. Nakakaplay ng madaming instruments. At nakakapag-english na! Next Einstein? Charot OA HAHA.

"Forget it, it's far." Sabi niya at nag-iwas ng tingin, nuks naman umi-english na talaga si koyaaaa!!! Akala ko ba nag-aaral palang?! Bakit ang dami ng alam?

"Lika naaaa! Pleaseeee! Let's go there!!" Tumayo na ako at hinihila hila ang kamay niya. Tumatalon talon pa ko at namimilit. Natatawa naman siya sakin, para akong bata, I admit. Syempre tamang pa cute lang kay crush. Charness!!

Tumayo na siya, binitawan ko naman ang kamay niya. "How far is it? Walking distance?" Tanong ko, grabe iba na to. Nag-ienglishan na kami. Para san na napadpad pa ko sa 19th century di naman straight tagalog HAHAHA. Pero I like this, it's great, I missed speaking english din naman. Oh, ha!! HAHAHA. 101 sa english yan HAHAHAHA.

"I do walk to get there, but...." tumingin siya sakin, bakit? Ano?

"Hmm?" Tinaas ko ang kilay ko habang nagpapagpag ng saya.

"But I want to take you there in a way that you won't get tired. It's a bit far." Sabi niya, medyo seryoso na. Ngumiti parin ako, I'm so curious kung saan yon. At di pa naman malalim ang gabi eh.

"I don't get tired easily, let's go there please please please please pleaseeee!!" Pamimilit ko, kinuha ang kamay niya at shinake, nangungulit. With a playful smile on my face. Natatawa nalang siya sakin, pati na rin ako, sa ginagawa ko. Tumango siya na siyang nagpasaya sakin.

"Yehey!!" Sabi ko at tumalong pumapalakpak. His laugh revealing his white teeth, god.

"Tara naaaaaa!!" Sabi ko at hinila na ang kamay niya, natatawa parin siya sakin. Mukha ba kong clown? Cute cute ko eh. Charness. Pero napatigil ako sa paglalakad, tas liningon siya. San nga ba ang daan? Natawa ulit siya, napanguso naman ako.

"Ang taas ng enerhiya mo, Binibini. Natulog ka ba kaninang tanghali?" Tapos tumawa siya. Pinisil ang pisngi ko, nagulat ako don. O m g. Do it again! Light lang yon, marahan. Hindi madiin. It was gentle. And fast. Napababa siya ng tingin ng may kaonting ngiti parin. Hmm? Biglang napayuko? Napisil lang naman ng pisngi napaka conservative! What's up with that? Tss.

"S-san ba ang daan? Nauna ako hindi ko pala alam hehe." Awkward akong nagbaba ng tingin at iiipit sana ang ilang baby hair sa tenga. Pero siya ang gumawa non. Parang nanigas ang kamay ko sa ere pero naibaba ko yon agad. Napapikit at lunok nalang ako. Naghuhurumentado ang puso koooo!!! Woi wag kayo, nabasa ko yon sa librooo!! HAHAHAHA.

Bigla siyang napa clear ng throat after ilang minutes. "D-dito ang daan, Binibini." Nagulat ako ng higpitan niya ang hawak saakin at marahan akong hinila. Nasa harap ko na siya ngayon, ang right hand ko ang hawak ng left hand niya. Ang right hand niya naman hawak ang gasera na nag iilaw ng daan. Hawak ko din ang gasera ko sa left hand pero nakababa lang ito. I'm just following his lead.

Nakarating kami sa isang dead end na may mga vines. What's with this? Ano may secret door din dito—? nagulat ako ng hawiin niya ang vines at may pjnto nga dito. What the—

"T-tatlo ang pinto dito?" Tanong ko, nilingon naman niya ako at nakangiting tumango.

"Ang pintong ito, ay di katulad nung dalawa na patungo sa ating mga hacienda. Ito ay direkta palabas." Sabi niya at binuksan na ito. Nang tuluyan na kaming makalabas ay binitawan niya ng dahan dahan ang kamay ko. Conservative talaga.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon