Kabanata 29

217 12 8
                                    

Nagising ako sa katok sa pinto, sumalubong saakin ang sinag ng araw mula sa bintana. Naiwan ko palang bukas kagabi, buti di kami pinasok HAHAHAHA. Char mababait pala tao dito, at may mga guards kami, we're rich duh. Joke, ancestors lang pala. Kinusot ko yung mata ko at mahinang sinabing "pasok", si Isay yon.

"Magandang umaga, Señorita! May naghihintay po sainyo sa baba." Yun lang at umalis na siya, ang saya saya niya. Anyare don? Nakabale ba siya kay Ama? Charot lang wag niyo ko sumbong, friends kami okay HAHAHA. Naligo nalang ako at agad nag-ayos.

Another day in 19th century, kelan kaya ako makakabalik? Nagpagpag nalang ako ng saya kahit wala namang dumi, bakit ba trip ko to eh HAHA. Took a deep breath before going out the room. Bumaba ako ng hagdan ng dahan dahan at lutang, iniisip kung sino yung dumating. Si Gabriel kaya? Si Diego? Aish bakit ko ba iniisip yon! Baka si Katarina ganon! Puro ka lalaki, Lia. Di ka maharot remember?! Dalagang filipina.

Napahawak nalang ako sa pang-ipit na binigay ni Gabriel sa buhok ko, at sa necklace naman na suot ko rin. Napangiti, he's thoughtful. Mula kagabi ko pa yon suot, aaraw-arawin ko na. At walang makakapigil sakin!! Hehe sabi ko nga baba na ng hagdan. Nagtanong pa ko sa mga tagasilbi kung nasan ba yung tinutukoy nilang naghihintay sakin, wala kasi sa sala kung san tinatanggap madalas yung mga bisita. Tulad ni Diego ganon, aish! Bakit ba Diego! Gabriel dapat ganon. CHAROTT!!

Tinuro nila na nasa labas daw, at pagkalabas ko na shock ako, hindi siya isa sa mga ineexpect ko. Si Xavier!! May hawak siyang roses at parang tinatanggalan niya ng thorns, ang ganda! Pulang pula pa at parang kakapitas lang, dalawa yon. Napakunot ang noo niya at lumingon saakin, di siya nagulat at parang alam na nandon na ko. Wow ha, malakas ang pakiramdam. Ako din malakas ang pakiramdam na hindi ako ang pinunta niya dito, hay mga bata, ang pupusok!! Charot. Nginitian niya ko.

"Magandang umaga, Señorita Marinella." Bati niya sakin na mukhang masayang masaya din, tss, parehong pareho sila ng level of happiness slash excitement ni Isay eh nakooo. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganto kalaki at excited na parang marami pang energy. Ang weird, sis!!

"Magandang umaga din, alam ko naman na ang sad-" I was cutted off when kuya came out.

"Xavier?" Pareho kaming napalingon, ayos na ayos si kuya na parang aalis. San kaya punta neto? Di po ako chismosa gois, curious lang hehe. Nag bro handshake at hug sila, basta mga gawaing lalaki ganon! HAHAHA.

"Oh? Bulaklak? Para kanino naman to? Kay Ella?" Tanong ni kuya, his eyebrows furrowed and the other one raised. What's with-? Oh, right. Ikakasal na ako at kapatid pa siya nung ikakasal sakin, so parang ang weird naman kung bibigyan niya ko ng flowers? Ano naman masama don? Take note, di ako proud sa pagsabi ng kasal kasal na yan noh, eww!! Yuckk! Over my gorgeous sexy body!! Yes, mainggit kayo.

"A-ah opo, opo! Syempre dahil parang kapatid na tong si Ella sakin, gusto ko lang kamustahin. At dahil magiging asawa siya ng aking kapatid gusto ko siya makilala lalo at makasama." Explain ni Xavier, weh ginawa pa kong palusot talaga! Inabot niya sakin yon na parang sapilitan, kaya tumango nalang ako at ngumiti tas tinanggap. Manggagamit! Mga batang to! Buti pa ko baby face, tapos baby pa ni—

'Sino sa dalawa sis?'

Charottt!! Kayo naman masyadong seryoso. "Ganon ba? Kung gayon ay ikaw na ang bahala sa kapatid ko at may aasikasuhin pa ko, sumabay ka na rin sakanya mag-umagahan. Pinagkakatiwalaan kita, kaibigan." Tinapik niya sa balikat si Xavier at binaling yung tingin sakin. Nag bow ng bahagya si Xavier at pinapasok na ng tagasilbi, naiwan kami ni kuya. Siguro umalis din siya para hayaan kami mag-usap.

Napabaling ang tingin ko kay kuya ng guluhin niya ang buhok ko, pero lumabas lang ang mga baby hair dahil naka pusod ako. Sinimangutan ko siya, siya naman tawang tawa. Nako kuya, pasalamat ka mabait ka HAHAHA. "Wala rin sila Ama at Ina, pumunta ng bahay ampunan si Ina at si Ama naman inaasikaso ang asukarera. Dun din ako papunta dahil sabi ni Ama sumunod ako." Explain niya, oo nga pala, si kuya ang tagapagmana. Pero nakakahanga din ang mga Abelardo noh? Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero kasi nakakahanga lang na di sila nagtatangi. Oh lalim ng tagalog ko sis!! Pero as I was saying, eto na eh, mayaman na. Pwede namang just enjoy life ganon, mag gasta! Pero imbis na ganon, tingnan mo si Ina, bisita sa mga bahay ampunan.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon