Nang makita ako ni Ina ay sumukbit siya sa braso ko ng ngiting-ngiti. Okayyyyyy... ano meron?
"Alam mo anak, matagal na talaga namin naisipan ito. Kaso sa tingin namin noon ay wala pa kayo sa tamang edad, pero ngayon sa tingin ko ay handa na kayo." Sabi ni Ina, handa na kami? Nino? Ano ba sinasabi ni Ina? Wala akong kaalam-alam nakakaloka ah.
"Nabanggit nga pala saakin ng kuya mo na nakilala mo na ang magkakakambal na Panganiban, ipapakilala ko naman sayo ngayon ang mga magulang nila, anak." Sabi ni Ina na excited na excited base sa expression. Whew, I have a bad feeling about this.
"Amiga! Amigo!" Tawag ni Ina sa dalawang matanda sa medyo malayo, well hindi naman ganon katanda. Parang kaedad lang din ni Donya Mercedes at Don Victor. So eto pala yung ermats at erpats nung apat ah.
"Alam ko namang kilala ninyo itong si Marinella ngunit nawala ang kanyang alaala kaya kayo ang ipapakilala ko sakanya." Sabi ni Ina, parehong ngiting-ngiti din sila saamin, lalo na saakin. Gosh, ang creepy ha.
"Anak, eto si Don Enrique at Donya Dulce." Pagpapakilala niya, excited na niyakap naman ako nung babae.
"Ang laki laki mo na Marinella! At isa kang tunay na magandang dilag! Bagay na bagay sayo ang karangalan bilang pinakamaganda dito sa atin bayan, mana ka sa iyong Ina." Sabi ni Donya Dulce, ay wow, ganon po ba ko kaganda? Hehehe tenkyu po.
"Ah, maraming salamat po Donya Dulce." Sabi ko.
"Tunay na mahiyain at mahinhin ang magiging asawa ng ating anak, Dulce. Kagalang-galang na binibini." Sabi ni Don Enrique. Magiging asawa ng ating anak? Whuttt?
"Bagay na bagay sila, Enrique. Napakapalad ng ating anak at ng ating pamilya na magkaroon ng isang napakagandang dalagang tulad ni Marinella sa hinaharap." Nakangiting-nakangiti sila saakin, so ano ang ibig sabihin nito? I kennat understand.
"Tayo na sa hapag-kainan, iaanunsiyo na ni Victor ang magandang balita." Sabi ni Ina, nauna naman na silang tatlo habang iniwan ako kay kuya.
"Bunso....." pagkalingon ko ay nakita ko si kuya na naka-sad smile. Is it right? Malungkot siya? Yon ang pagkabasa ko sa expression niya eh....
"Kuya! Nanjan ka na pala!" Nakangiti kong bati, kahit awkward kasi ako happy siya sad.
"Tara na." Sabi niya at inilahad ang kamay niya, sabay na kaming pumunta sa dining room. Ang haba ng table! Ang daming pagkain! Wowwww! Ang sasarap! Na excite tuloy ako kasi gutom na akeyy hehehe.
"Ella, kahit anong mangyari ipangako mong kakalma ka ah? Ipangako mong susunod ka, dahil ako din nangangako na gagawin ko ang lahat para mapigilan ito kung labag sa loob mo." Sabi ni kuya, napa tango nalang ako. So ano meron? Bakit wala akong kaalam-alam!
Pagdating namin doon sa may unahan katabi ni Ama at Ina ay nakita kong sa tabi nila ay ang pamilya Panganiban, as in lahat sila, si Donya Dulce, Don Enrique, at yung magkakakambal. Ngayon ko lang napansin na yung magkakakambal para silang yung F4! As in! Gosh, ano meron? Bakit yung mga pamilya namin yung nasa unahan, yung ibang tao naman nakatayo lang katabi nung seats nila at nakatingin saamin. Ng mapatingin ulit ako sa direksiyon nila Gabriel ay ngumiti silang tatlo saakin, except don aa Diegong yon, inirapan ako. Whew, ano babae siya? Makairap ha? Pero si Gabriel... yung smile niya iba, sad din, parang yung kay kuya. Bakit ba maraming nag-sasad smile ngayon?! Potek, is it just me or may something talaga!
"Magandang Gabi mga kaibigan! Bago natin idaos ang kainan ay may nais kaming ianunsiyo ng aking amigo na si Don Enrique!" Malakas na sabi ni Ama, so ano ba kasi yung big announcement? Ngumiti sila ni Don Enrique sa isa't-isa pagkatapos ay tumango din.

BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Ficțiune istoricăSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...