"Ina? Bakit mo ba binabanggit ang pangalan ng lalaking iyon? Hindi siya karapat dapat pag-usapan, mawalang galang na ngunit, hindi siya iba sa mamamatay tao." Sabi ni kuya ng seryoso na siyang nagpabalik na sa akin sa realidad. O M G. Kuya is so protective, do I even deserve him?
"Mariano! Mag-iingat ka sa iyong pagsasalita! Huwag kang padalos-dalos!" Nagulat ako ng sumigaw si Ama, hinampas pa ng bahagya ang table na lumikha ng malakas na tunog. Hinawakan naman agad siya ni Ina para pakalmahin. Napahawak nalang si Ama sa ulo niya.
"Hindi ba't totoo naman, Ama? Ganon nalang ba iyon sayo? Papalagpasin mo na lang? Buhay ng kapatid ko ang pinag-uusapan dito." Kita ko na rin ang galit sa mga mata ni kuya, he's scary alright.
Huminga ng malalim si Ama dahil may binulong sakanya si Ina. "Anak, nanghingi naman na mismo ng tawad ang kanilang pamilya, kahit ang Señorito ay personal na nanghingi ng tawad. Hindi naman niya sinasadya iyon, mga bata pa sila." Sabi ni Ina, pero hindi parin satisfied si kuya.
"Marahil ay nasasakal lang siya, dahil bago lang ito para sakanya." Sabi pa ni Ina. Umiling iling naman si kuya.
"Ang kapatid ko nga ay sakal na sakal na sainyo, malapit ng mawalan ng hangin. Ngunit hindi siya gumawa ng ganyang bagay na ikapapahamak ng iba. Perdóneme." Sabi ni kuya at nag walk out. Nag spanish nanaman siya, ano kaya ibig sabihin non? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, mula ba dati.... nasasakal na si Marinella of 19th century? Sa paanong paraan naman?
(Translation: Perdóneme- Excuse me)
"Mariano!" Sigaw ni Ama, pero hindi manlang lumingon si kuya at derederecho sa paglalakad. Napahawak nanaman sa ulo si Ama na parang stressed na stressed.
"Hayaan mo na, ganyan talaga siya sa kapatid niya mula pa noon hindi ba? Ayaw niya lang na nasasaktan ito o ano man." Mahinahong sabi ni Ina, nakatingin lang ako sakanya ng tumingin din siya saakin, ngumiti siya. Ngumiti din ako, bakit ganon? Bakit kabaliktaran talaga sila ni mom? Marinella of 19th century must be so lucky.
"Marinella, anak?" Nagulat ako sa pagtawag ni Ama sakin, napatingin ako sakanila agad, seryoso ngunit nag-aalala ang mga mata niya, pati na rin kay Ina.
"Po?" Sagot ko, kumunot ang noo ni Ina ngunit nagsalita parin siya ng mahinahon, nagitla ako ng hawakan niya rin ang ibabaw ng kamay ko.
"Anak? Ayos ka lang ba? Nakailang tawag na sa iyo ang iyong Ama, masama pa ba ang iyong pakiramdam?" Alalang sabi ni Ina, weh? Tinatawag pala ako ni Ama? Ang narinig ko lang puro "anak"......ay wait! Oo nga pala anak nila ako! Kailangan ko ng masanay tsk.
"A-ah opo Ina, Ama ayos lang po ako patawad di ko po narinig ang tawag niyo. Baka po inaantok lang ako." Sabi ko at uminom ng tubig.
"Inaantok? Bakit, nagpuyat ka ba, anak?" Tanong ni Ama, nagulat ako sa sinabi niya. Ilang segundo na ang lumipas at hindi parin ako nakakasagot, anong sasabihin ko? Baka pagalitan ako! At saka baka malaman pa nilang nagkita kami ni Diego! Paniguradong kahit pinagkasundo nila kami, lagot kami!
"Ah, hindi ba Victor ay maaga ko pinagising ang anak mo? Kung kaya't nagambala ang kanyang tulog, alam mo namang hindi siya sanay na gumising ng maaga." Sabi ni Ina, tumingin siya sakin at pasimpleng kumindat. But, why? Could it be.... ALAM NIYA KAYA YUNG SAMIN NI DIEGO KAGABI? O M G! Pero bakit hindi siya nagalit? Ganon ba siya ka support?
Napatango-tango naman si Ama, ng may biglang lumapit sakanya at bumulong. Nagulat naman ako ng hawakan ulit ni Ina ang kamay ko, pero hinigpitan niya para siguro tumingin ako sakanya, nakangiti siya tapos lumapit siya sa may tenga ko. Omg, tatanungin niya na ba ako tungkol sa kagabi? Nako po huhu. "Alam ko ang ginawa mo kagabi, anak, ngunit huwag ka mag-alala hindi kita isusumbong sa iyong Ama." Sabi niya, omggggg! Pano naman? Maingay ba kami ni Diego paakyat nung ladder? Nakita niya ba ako palabas ng kusina? Nakita ba kami ng isang guardia civil? Tapos di nalang kami pinagsabihan at dinerecho kay Ina? Huhu lagot na dis.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...
