Naka heads down ako sa lamesa at stress na stress, ang haggard ko na siguro mga sis!! Kakaisip sa K, K na yon! Pa letter letter pa! Pwede namang pangalan nalang debaaa. Jusko. Mga limang sulat lang ang binasa ko, puro pahayag ng pagmamahal nung lalaki kay Marinella of 19th century. Isn't she just so lucky? Sana all. Wala rin namang mga hints don kung ano ang pangalan niya kasi wala siyang binabanggit. At saka syempre kailangan ko rin irespeto, sulatan nila yon eh. Pakielamera naman ang peg ko diba pag basa ako ng basa. Privacy mga sis! Charness, di ko pala alam yon kasi sumilip ako kila Xavier at Isay na gumagawa ng tea. Ang cute kaya nila! Nagtatawanan pa! Yiiiieeee kinikilig akoooo!! Pero saglit lang naman duh! Mga 3 minutes!! Hehe. Kasi syempre nabibitter ako! Kainggit kaya!
Nakaharap ako sa gawi ng bintana, habang dinadama ang hangin. Medyo tumila na ang ulan. Malinis na ang lamesa dahil tinago ko na ulit lahat sa baul. Wala palang maitutulong, sinayang ko mga ubo ko tss. What now? Asan na ba kasi si Maestra!! I need her huhu. Pero ang galing noh, tumatakas takas din pala sila para magkita, parang kami lang ni Gabriel? Haha. Grabe, may ganon pa palang lalaki, may ganto palang love story. I wish I was born in this era. I wish I was Marinella, the 19th century version. I wish I had her life.
Napabangon ako muka sa pagka heads down ng may kumatok sa pinto. "Pasok" sabi ko, si Isay yon na nakangiti. Nasa likod niya si Xavier. Pareho silang ngiting ngiti at masaya.
"Señorita! Ginawan ka po namin ng tsaa! Sakto sa malamig na klima." Napangiti naman ako ng maamoy yon, yun yung masarap na gawa niya dati. Pero parang medyo nag-iba, parang may nahalong amoy. Pero amoy masarap parin hehe.
"Salamat ah, ito parin ba yung gawa mo para sakin noon?" Tanong ko at tiningnan din si Xavier ng nakangiti. I noticed something in Isay's hair. Pang-ipit din? Parang.... hmm yun pala ang binili ni Xavier nung isang araw na nasa plaza kami! Para kay Isay pala yon haa! Nakooo! Yiiiee kinikilig ako!!
"Ah opo, hinaluan lang po ng kaonting sangkap na ginagamit ng Señorito sa paggawa naman ng mga tsaa niya." Bahagya niya pang tinuro si Xavier na nasa pinto. Kumaway naman ito.
"Sana'y magustuhan mo, Ellay." Banggit niya ng nakangiti parin. My ghad as in di ako sanay. But he should smile always, bagay sakanya. Gwapo gwapo, si Isay naman na ang ganda ganda at cute din! Perfect match!!
"Pasok ka." Sumenyas pa ko at ininom na yung tsaa, ang sarap! Mas masarap pa kesa nung una! Perfect combination ang sangkap nila! Parang ang isa't isa yiiieee!!
"Hindi na, salamat. Dinalan ka lang talaga namin ngunit aalis na din kami." Sabi ni Xavier, tumango tango ako at binaba na ang tasa.
"Bibigyan pa po namin ang ibang mga tao dito sa bahay kaya't mauuna na kami." Sabi ni Isay na ngiting ngiti at masaya. I'm so happy for herrr!! Yiiieee!! Infernes galing ng mga friends ko ha, nac-crushback! Sana all!
"Sige, salamat dito ah! Ang sarap!!" Nagpaalam na sila sakin, kaya uminom nalang ako ulit habang nakatingin sa bintana. Halos patila na ang ulan. Pero same old cold breeze parin kaya naka wrap parin ako ng blanket. Grabe naman sila, may pa tsaa sa buong bahay! Tsaa party! HAHAHAHA. Charness, sabi ko nga corny. Ang cute cute, bagay na bagay kasi pareho pa ng hilig, mga tsaa.
Nang matapos na ko nag decide akong ibalik yung baul sa kwarto at ibaba yung pinag-inuman ko. Tatanungin ko na rin si Isay kung san ko pwede ipadala yung sulat kay Katarina. At saka ang tagal ko ng umiinom don baka umalis na si Xavier. Tatanungin ko pa naman siya kung nafafall na nga siya kay Isay!! Hshshs. Sakto pala ang pagkababa ko kasi parang nagpapaalam na sila sa isa't isa.
"Oh, Xavier aalis ka na? Umuulan pa ah? Patila ka muna dito." Sabi ko, kinuha naman ni Isay ang tasa at saucer sa kamay ko at nagpaalam. Di ko naman siya napigilan kasi agad agad na siyang umalis. Ngumiti muna kay Xavier at bahagyang nag bow. Ganon din naman siya. Pagkaalis ni Isay napagsesisyunan kong asarin si Xavier HAHAHA.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Fiksi SejarahSa loob ng isang libong taon, tuwing ika isan-daan ay pinagtatagpo sila muli. Ang dalawang pusong nagmamalan, ngunit ang siya ring dalawang pusong hinahadlangan. Sa huling ika-isan daang taon ay pinagtagpo sila, sa kakaibang pagkakataon. Tuluyan na...
