Kabanata 10

477 23 1
                                        

Inalalayan na ako ni Diego, wow himala Diego ang tawag ko sakanya ngayon. Medyo matino naman pala siyang kausap minsan, minsan nga lang. Lumakad din kami ng medyo matagal para lang makapunta sa mismong bahay pa nila. Kaonti lang ang palayan nila at mga hayop na alaga kompara samin. So mas mayaman kami? HAHAHAHA. Mayroon din silang malaking pinto na binuksan ng mga guardia civil. Omygosh! Did I mention na sobrang ganda ng bahay nila? Grabe! Mas maganda pa ata saamin! Syempre charot! Pareho lang naman.

"Maligayang pagdating sa aming tahanan, Binibining Marinella!" Sabi ni Don Enrique ng makapasok na kami sa loob.

"Madalas ka dito noon, kaso nga lang hindi mo na nga pala naaalala." Sabi naman ni Donya Dulce.

"Bueno, maraming nakahandang pagkain ngayon para sainyo Amigo! Tayo na't magtanghalian." At dumirecho na nga kami sa kanilang 'hapagkainan' wait tama ba? I'm not used to this tagalog pa eh.

Nagsimula ng kumain ang lahat pagkatapos mag pray, ang maka diyos talaga ng mga tao dito. Ako kasi nag pepray naman pero minsan mabilisan lang kasi gutom na eh hehehe.

"Diego, anak, may pinaplano na ba kayo ng Binibini?" Tanong ni Don Enrique, pinaplano, shocks!! Ibig sabihin expected na nila na may ipaplano kaming pagpigil ng kasal?! Nako lagot na!

Tumingin saakin si Diego ng may smirk, sasabihin niya ba yung tungkol sa plano? Pero pabor din siya don diba? O niloloko niya lang ako? Omigad baka nga niloloko niya lang ako at isusumbong sakanilang lahat na ayaw ko ng kasal! Huhu!

"Opo, Ama mayroon na" sabi niya ng naka smirk parin saakin, shocks lang!! Sabi na nga ba! Hindi mapagkakatiwalaan!

"Napakabilis naman, Diego. Kailan kayo nagka-usap?" Tanong ni kuya, so ibig sabihin hindi nila ineexpect na ganito kami kaaga gagawa ng plano para matigil ang kasal? Pero di naman sila mukhang galit saakin, nakangiti nga sila eh. Except kay kuya at Gabriel na seryoso. Ang gwapo niya pa rin kahit seryoso.

"Kanina lang sa kalesa, kuya." Sabi niya ng naka smirk, what's with the smirk ba? Tsk.

"Bueno ilan ang plano niyo kung ganoon, Ginoong Diego?" Tanong ni Ama, ilan? Anong ilan? Hindi ko gets. Ibig sabihin, expected na ni Ama slash Don Victor na may plan A at plan B kami? Gosh, wala nga kaming mga back up plans eh.  Parang nag-iisip naman si Diego habang naka smirk parin, shocks kairita yung mukha niya ha.

"Hmm... dalawang dosena po? Hehehe" napatawa naman sila, so anong meron? Dalawang dosena ang plano namin? Ano daw? Lah, slow na ba ko neto?

"Dalawang dosenang supling, kapatid? Aba! Napakasipag mo naman!" Banat ni Luis na siyang nagpatawa pa sakanila, seryoso parin si Gabriel habang pailing-iling si kuya. Teka bakit ba napaka seryoso ni Gabriel? Nginitian ko siya at tipid naman ang sinukli, wala ba siya sa mood? Teka nga ano ba yung supling? Wait hindi ba...

"Napakaraming beses mong manganganak, Binibini." Bulong saakin ni Xavier, magkatabi kasi kami. So totoo nga?! Anak ang pinag uusapan nila? Anak?! Dalawang dosena?! Twenty four?! Ano donuts lang? Ano ako aso? Baboy?

"A-anak?" Di parin makapaniwalang tanong ko.

Napatawa si Xavier "Oo, Binibini. Mga anak, dalawang dosena nga daw ang napag-usapan ninyo ni Diego. Buti pumayag ka?" Sabi niya, so sinabi ni Diego sakanila na mag aanak kami ng dalawang dosena?! What the—

"Kapatid, tubig." Sabi ni kuya ng mapagtanto na nabulunan ako. Napaubo nalang kasi ako ng marealize na anak pala talaga yung pinag-uusapan nila, at gusto nila dalawang dosena jusko! Uminom nga ako ng tubig gaya ng sabi ni kuya.

At lahat sila nagtatanong kung ayos lang ba ako, habang isa naman ang nagpatindig ng tenga ko.

"Ayos ka lang ba, asawa ko?" Banggit ni Diego, kaya mas lalo akong nabulunan habang umiinom ng tubig. Tinapik tapik naman ni kuya yung likod ko hanggang sa mahimasmasan na ko. Wow ang lalim ng tagalog ko ah, I'm improving.

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon